• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buong Pilipinas isinailalim na sa State of Public Health Emergency

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa State of Public Health Emergency bilang hakbang laban sa coronavirus disease (COVID-19) kasunod ng pagdami ng mga kumpirmadong kaso ng sakit.

 

Mula noong Biyernes, nadagdagan ng 7 ang kumpir-madong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Dahil dito, umakyat na sa 10 ang bagong kaso at sa kabuuan ay 20 ang bilang ng may COVID-19 sa Pilipinas.

 

“The outbreak of COVID-19 constitutes an emergency that threatens national security which requires a whole-of-government response,” sabi ni Duterte sa Proclamation No. 922, na nilagdaan noong Linggo, 3 linggo matapos irekomenda ng DOH ang pagdeklara ng public health emergency.

 

Sa ilalim ng state of public health emergency, mapabibilis ang pag-access sa pondo at pag-procure sa mga kagamitang kakailanganin para labanan ang sakit.

 

Magiging mandatory din umano sa mga ospital na i-report ang mga kaso ng COVID-19 na dinadala sa kanila.
Mananatili ang bansa sa ilalim ng state of public health emergency hangga’t hindi binabawi ni Duterte.

 

Kinumpirma naman nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Marikina Mayor Marcelino Teodoro, at Pasig Mayor Vico Sotto na nasa kani-kanilang mga nasasakupang lungsod ang ilan sa 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Inihayag ng mga alkalde na nagsasagawa na sila ng contact tracing o pinaghahanap na ang mga taong posibleng naka-salamuha ng mga pasyente.

 

Sinuspinde na rin ng Department of Education ang ilang national at regional event na nilalahukan ng mga estudyante, kabilang ang mga regional meet ng Palaro, bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

 

Nagkansela rin ng pasok kahapon ang ilang lokal na pamahalaan bunsod ng virus. Ang ilan sa mga class suspension ay tatagal hanggang isang linggo.

 

Noong Biyernes, 3 kaso ng novel coronavirus pa lang ang naiulat sa bansa, na nakita sa 3 turista galing sa lungsod ng Wuhan, China, kung saan sinasabing nagmula ang virus. Ang isa sa 3 pasyente ay pumanaw habang ang 2 ay gumaling at nakabalik na sa China. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Godzilla vs. Kong’ Passes $100 Million At Domestic Box, Beating ‘Wonder Woman 1984’ Record

    GODZILLA vs. Kong officially becomes the second movie to earn $100 million at the domestic box office since the coronavirus pandemic began.     After almost three months it was released in theaters, Godzilla vs. Kong crosses the $100 million mark at the domestic box office, according to screenrant.com.     Due to the coronavirus pandemic, the […]

  • Travel restriction sa Chinese travelers, ipatupad na

    NANANAWAGAN  ang isang health expert na magpatupad na ng mas mahigpit na travel restriction ang gobyerno sa mga biyahero na mula sa China para makatiyak na hindi kakalat sa Pilipinas ang panibagong wave ng impeksyon ng COVID-19.     “We need to ask the Chinese visitors to submit RT-PCR test 48 hours prior to the […]

  • SIM cards, iparehistro na

    SA PAGSiSIMULA ng rehistrasyon ng  SIM card, pinaalalahanan ni Camarines Sur Rep. at National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte ang mga cellular phone owners ng tinatayang 150 million Subscriber Identification Module (SIM) cards na iaprehistro ang kanilang numero sa loob ng ibinigay na deadline upang maiwasan ang automatic deactivation ng kanilang SIM numbers.   […]