• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Business groups sa China: ‘Igalang ang soberenya ng Pilipinas’

Sumama na rin ang ilang malalaking grupo ng mga negosyante na umaapela sa China na lumayas na ang mga barko nito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

 

 

Kabilang sa mga business groups na nanawagan ay ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Management Association of the Philippines (MAP), Iloilo Business Cluib, Inc., Makati Business Club (MBC) at iba pa.

 

Hiling nila sa China na sana igalang ang soberenya ng Pilipinas at kalapit na mga bansa.

 

 

the sovereignty of the Philippines and other neighboring countries for it is only through peaceful co-existence that we can achieve prosperity for all.”

 

 

Binigyang diin din ng business groups na sinusuportahan nila ang panawagan ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, DFA at iba pang pang government officials na paalisin na ng China ang kanilang mga sasakyang pandagat sa Julian Felipe Reef.

 

 

Inungkat din ng grupo na ang naturang bahagi ng karagatan ay malinaw na pag-aari ng Pilipinas batay na rin sa 2016 ruling ng UN Convention on the Law of the Seas.

 

 

“China and the Philippines share many things in common including being subjugated by colonizers and having their natural resources plundered. Now that China is strong economically and militarily, we call on China to refrain from becoming an imperial power. In 1974, Deng Xiaoping said “If one day China should change her color and turn into a superpower, if she too should play the tyrant in the world and everywhere subject others to her bullying, aggression and exploitation, the people of the world should expose it, oppose it and work together with the Chinese people to overthrow it,” bahagi pa ng joint statement ng business groups.

Other News
  • Cybersecurity measures, in-adopt para palakasin ang digitalisasyon ng Pinas — PBBM

    PINAIGTING ng administrasyong Marcos ang pagsisikap nito na magtatag ng cybersecurity infrastructure sa gitna ng hangarin na i-digitalize ang burukrasya.     Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa isinagawang  open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, isang event na aniya’y excited sya na magpartisipa dahil mabibigyan siya ng pagkakataon na […]

  • Proklamasyon ng nanalong senador, partylists posible sa susunod na linggo

    TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama na sa susunod na linggo ang mga nagwaging kandidato sa pagka-senador at mga party-list groups.     “Ang optimistic projection namin ay is in a week’s time. Tignan niyo ‘yung bar natin, it’s 82 out of 173, we will canvass the ­remaining COCs. Meron lang po tayong […]

  • Ipagpapatuloy ang legacy at advocacy ni Susan: COCO, inamin na nasa puso na niya ang ‘the right one’

    OPISYAL na ngang ipinakilala ng country’s leading pharmaceutical brand na RiteMed ang kanilang newest brand ambassador sa pamamagitan ng latest TV commercial (TVC) na kung saan featuring ang well-loved and highly respected actor-director na si Coco Martin.     Si Coco ang hinahanap at napiling ‘The Rite One’ para ipagpatuloy ang legacy and advocacy ng Queen of Philippine […]