Business tycoon Danding Cojuangco pumanaw na, 85
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang kilalang negosyante at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr.
Batay sa kumpirmasyon ng malalapit sa kanya, binawian ito ng buhay kagabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.
May lumabas na impormasyon na matagal na rin itong may karamdaman sa lung cancer.
Si Danding ay dating chairman at CEO ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking food and beverage company sa Southeast Asia.
Dati siyang naging ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos at naging dating governor ng Tarlac.
Si Danding ay naging chairman emeritus ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung saan naging founder ito ng partido noong 1992.
Ito rin ang naging tulay niya para kumandidato noong 1992 presidential elections pero sa huli ay natalo siya kay Fidel V. Ramos.
Noong 2004 presidential elections, nagbalak din ito na tumakbo muli pero umatras.
Naging kilala rin si Danding bilang sports patron lalo na sa pagsuporta sa larangan ng basketball sa bansa.
Noong 1980s nakilala siya bilang “basketball godfather” ng Northern Consolidated team.
Sa ilalim naman ng San Miguel Corporation, meron siyang tatlong teams sa Philippine Basketball Association (PBA) na binubuo ng San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel at Star Hotshots.
Liban nito, tumatayo rin siyang benefactor ng De La Salle Green Archers men’s basketball team.
Taong 2019 ay kinilala siya ng Forbes bilang “16th richest man in the Philippines.”
Samantala, bumuhos naman ngayon ang pakikiramay sa iba’t ibang sektor at ang iba ay nagbigay pugay sa mga naiambag nito sa bansa. (Daris Jose)
-
37 na Chinese na nagtatrabaho sa construction site, inaresto
UMABOT sa 37 na mga Chinese national na nagtatrabaho sa isang construction site sa Cotabato City sa Mindanao ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI). Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga Chinese national ay nakitang nagtatrabaho sa isang construction sa isang mall sa Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). […]
-
Kasado at mas maganda sana ang repertoire: SHARON, nagsalita na sa pagkakaudlot ng second concert nila ni GABBY
NAGSALITA na si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa hindi pagkakatuloy ng muling pagsasama nila ng dating asawa na si Gabby Concpecion after ng matagumpay nilang Dear Heart concert noong October 2023. Hindi naman kaila sa lahat na nagkaroon na naman ng hidwaan ang dalawa at balita ngang hindi na naman sila nag-uusap. […]
-
Public viewing kay ex-Pres. Aquino isinagawa sa Ateneo
Isinagawa ng pamilya Aquino ang public viewing para kay dating Pangulong Benigno S. Aquino III sa Ateneo de Manila University (ADMU) mula 10:00 a.m at 10:00 pm sa kahapon, Biyernes Hunyo 25. Sinabi ng nakakabatang kapatid ng dating pangulo na si Kris na matapos ma-cremate ang bangkay ng kapatid ay dinala ito sa […]