• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Business tycoon Danding Cojuangco pumanaw na, 85

Pumanaw na sa edad na 85-anyos ang kilalang negosyante at political kingmaker na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr.

 

Batay sa kumpirmasyon ng malalapit sa kanya, binawian ito ng buhay kagabi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

 

May lumabas na impormasyon na matagal na rin itong may karamdaman sa lung cancer.

 

Si Danding ay dating chairman at CEO ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking food and beverage company sa Southeast Asia.

 

Dati siyang naging ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos at naging dating governor ng Tarlac.

 

Si Danding ay naging chairman emeritus ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung saan naging founder ito ng partido noong 1992.

 

Ito rin ang naging tulay niya para kumandidato noong 1992 presidential elections pero sa huli ay natalo siya kay Fidel V. Ramos.

 

Noong 2004 presidential elections, nagbalak din ito na tumakbo muli pero umatras.

 

Naging kilala rin si Danding bilang sports patron lalo na sa pagsuporta sa larangan ng basketball sa bansa.

 

Noong 1980s nakilala siya bilang “basketball godfather” ng Northern Consolidated team.

 

Sa ilalim naman ng San Miguel Corporation, meron siyang tatlong teams sa Philippine Basketball Association (PBA) na binubuo ng San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel at Star Hotshots.

 

Liban nito, tumatayo rin siyang benefactor ng De La Salle Green Archers men’s basketball team.

 

Taong 2019 ay kinilala siya ng Forbes bilang “16th richest man in the Philippines.”

 

Samantala, bumuhos naman ngayon ang pakikiramay sa iba’t ibang sektor at ang iba ay nagbigay pugay sa mga naiambag nito sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • JOAQUIN PHOENIX IS VICTORIOUS AS “NAPOLEON” IN NEW FEATURETTE

    THE authenticity and passion of Academy Award® winner Joaquin Phoenix is what makes him the perfect Napoleon. From acclaimed director Ridley Scott and starring Phoenix, Napoleon opens in Philippine cinemas November 29. Watch the “Unique Genius of Joaquin Phoenix” in this newly released featurette:  YouTube: https://youtu.be/t-GzKyT3xO8 About Napoleon Napoleon is a spectacle-filled action epic that details the checkered rise and […]

  • Pagulayan kampeon sa Illinois

    MULING inilabas ni dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan ang matatalim na pangil nito upang pagharian ang 10-Ball at One Pocket events ng 2020 Aramith/Simonis Pro Classic Championship sa West Peoria, Illinois.   Naitakas ni Pagulayan ang gitgitang 14-13 panalo laban sa kababayan nitong si Dennis Orcollo sa championship round upang makuha ang korona […]

  • Mga atleta uunahin ng PSC sa bakuna

    NASA radar ng Philippine Sports Commission (PSC) na mapabilang din ang mga national athlete sa unang mga mababakunahan ng panlaban sa Covid-19 sakaling makakuha na ang bansa nang inaasam na iniksiyon sa hinaharap.   Ipinahayag kahapon ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na nakahanda na silang makipagpulong sa pamahalaan upang mapabilang sa mga mauuna ang […]