Busway, mananatiling operational sa gitna ng Edsa rehab
- Published on March 7, 2025
- by Peoples Balita

Tiniyak ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa mga mananakay na magpapatuloy ang pagtakbo ng bus carousel sa kabila ng ‘roadworks at pagkukumpuni.
“Iyon pong bus carousel po natin, tuluy-tuloy pa rin po iyan. Ang mangyayari lang po ay aayusin kung papaano ito hindi maka-cause ng traffic, pero tuluy-tuloy po iyan, hindi po iyan ihihinto para sa ating mga commuters,”ang sinabi ni Castro.
Samantala, ang EDSA rehabilitiation project na kinabibilangan ng ‘road repairs at drainage improvements’ ay bahagi ng solusyon ng pamahalaan na pagaanin ang traffic congestion at pagbaha sa kahabaan ng isa sa pinaka-abalang daanan sa Kalakhang Maynila.
Nangako naman ang mga awtoridad na tatapusin ang proyekto bago ang nakatakdang pagho-host ng Pilipinas sa ASEAN Summit sa taong 2026. ( Daris Jose)
Other News
-
RICHARD, may pahabol na bonggang birthday gift sa asawa; netizens napa-’SARAH All’
WALANG kupas talaga ang init ng pagmamahalan sa pagitan ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Mukhang habang nasa lock-in taping pa si Richard ng Ang Probinsyano ay nagawa pa rin nitong supresahin ang kanyang isis na si Sarah. Nag-celebrate na silang dalawa ng birthday ni Sarah, pero may pahabol pa palang birthday […]
-
Pinay boxer na si Nesthy Petecio, binati ni Go
“Mabuhay ka, Nesthy! Isa kang lodi!” Binati ni Senador Bong Go ang pinay boxer na si Nesthy Petecio sa pagkapanalo ng Tokyo Olympics silver medal sa Women’s Featherweight boxing. “Congratulations to Nesthy Petecio for winning the Tokyo Olympics silver medal in Women’s Featherweight boxing! Yours is a historic win for being the first […]
-
Ads October 21, 2021