• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye

INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.”  

 

 

Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila na sila na ang magkakasama sa buong buhay nila.  Naniniwala raw si Gabbi sa destiny, at sinusunod niya ang sabi ng mommy niya na ‘kung para sa ‘yo, para sa iyo’ at iyon daw ang destiny.

 

 

“Hindi po nagiging hadlang sa relasyon namin ni Khalil kung sakaling may iba kaming katambal sa proyektong ginagawa namin, naiintindihan naming part lamang ito ng trabaho namin. Kaya walang isyu ang bagay na iyon sa aming dalawa,” wika pa ni Gabbi.

 

 

“At ang masasabi ko, hindi seloso si Khalil, and I’m grateful for it.  Tulad sa “Unbreak My heart,” si Joshua Garcia ang katambal ko, at naiintindihan niya iyon dahil isa rin siyang actor.”

 

 

Malapit nang mapanood ang “Unbreak My Heart,” na first collaboration teleserye ng GMA Network, ABS-CBN at Viu Philippines, tampok din sina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at iba pang Kapuso at Kapamilya stars.

 

 

Sila ang papalit sa malapit na ring magwakas na teleserye ng GMA Public Affairs, ang “The Write One” ng real lovers na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, 9:35 p.m. Mondays to Thursdays, sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

NGAYONG tapos nang mag-taping si Ruru Madrid ng “The Write One,” at nagsimula na siyang mag-shooting ng first movie niya sa Viva Films, ang “Video City” with Yassi Pressman.

 

 

Nagsimula na rin siyang mag-training ng pagmo-motor bilang paghahanda sa upcoming teleserye nila ng bagong Kapuso na si Matteo Guidelli.

 

 

Ayaw pa sanang sabihin ni Ruru kung ano ang project na gagawin niya pero nalaman niyang na-announce nang “Black Rider” ang pagsasamahan nila ni Matteo.

 

 

Inamin ni Ruru na natuwa siya nang sabihin sa kanyang magkakasama sila ni Matteo sa proyekto.

 

 

“It’s an honor po for me, dahil siyempre, napapanood ko siya noong nasa iba pa siyang network. Now na Kapuso na siya, excited na akong makatrabaho siya.  I know kung gaano rin siya ka-passionate magtrabaho. Kaya hopefully maging kaibigan ko rin siya.”

 

 

Malapit na rin silang magsimulang mag-taping ni Matteo. Para kay Ruru, isa namang malaking challenge ang kanyang gagawin, dahil pagkatapos ng serye nila ni Matteo, gagawin naman niya ang part two ng action-fantaserye niyang “Lolong.”

 

 

Kaya si Ruru, dahil alam na niyang nakalinya siya sa mga action projects, hindi niya inaalis iyong mga training, tulad ng mixed martial arts at kung ano pa iyong mga skills na dapat niyang matutunan.

 

 

Ayaw raw niyang biguin ang tiwala ng mga viewers sa kanya, na deserving siya sa bawat project na ibinibigay sa kanya.

 

 

***

 

 

ANG Congresswomman wife ni Senator Bong Revilla na si Lani Mercado-Revilla pala ang pumili kay Beauty Gonzalez na maging wife niya sa bagong comedy series na gagawin nila, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,”

 

 

Bakit si Beauty na isang Bisaya?

 

 

“Naa-amaze ako pag nakikita ko yung babaeng Bisayang asawa, na kapag nagalit, nagtatalak na,” kuwento ni Lani.

 

“I find it amusing, kaya sabi ko, magandang maging Bisaya ang ka-partner ni Sen.  Iba ang touch pag Bisaya.  Meron kasi kaming mga friends na Bisaya, naa-amuse ako kapag nag-uusap-usap sila.”

 

 

Umayon  naman agad si Sen. Bong sa recommendation ni misis.  “Saka marami kayong mga fans na makaka-relate diyan,” dagdag pa ni Lani.

 

 

Sina Beauty at Max Collins ang gaganap na legal wife at the other woman ni Tolome (Bong).  Kinukumbinse pa ni Sen. Bong na mag-guest si Cong. Lani sa sitcom na mapapanood na simula sa June 4 and every Sunday, 7:45 p.m., sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Fonacier babalik sa NLEX

    IBINUNYAG ni Joseller ‘Yeng’ Guiao, na puntiryang magbalik sa laro sa North Luzon Expressway ni Larry Alexander Fonacier.     Sa pagkaandap sa Cooronavirus Disease 2019 sa nakalipas na taon, hindi lumaro ang 38-anyos, 6-2 ang taas na veteran guard-forward sa 45th Philippine Basketball Association Philippine Cup 2020 sa Clark Freeport bubble sa Angeles, Pampanga. […]

  • PHILHEALTH: ‘NAGBAYAD NA KAMI NG P1.6-BILLION SA PH RED CROSS’

    ITINANGGI ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may utang pa silang higit P930-million sa Philippine Red Cross (PRC) para sa mga isinagawang COVID-19 tests ng private institution.   “As of September 2020, PhilHealth already paid the PRC a total of P1.6 billion for at least 433,263 tests,” ayon sa state- health insurer sa isang […]

  • Philippines -BEST dumating na sa Paris

    Dumating na ang Philippines BEST-Swim League Philippines sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na aarangkada sa Mayo 13 hanggang 15 sa Paris, France.     Dumating na sa Paris ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo nina Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Julia Ysabelle Basa, Marcus Johannes De Kam, […]