• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buwan ng Setyembre, idineklarang ‘Social Protection Month’

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang buwan ng Setyembr ng bawat taon bilang Social Protection Month.

Layon nito na itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan nito.

Sa katunayan, nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation 820, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Marso 6, at isinapubliko, araw ng Martes, inatasan ang Social Development Committee (SDC) – Sub-Committee on Social Protection (SCSP) na pangunahan ang taunang paggunita ng Social Protection Month.

Ipinalabas ang proklamasyon sa layuning itaas ang kamalayan hinggil sa social protection bilang isang “critical development strategy for poverty reduction, equality, and social inclusion, and highlight its importance in ensuring the resilience, health, and, well-being of all Filipinos in today’s evolving social and economical landscape.”

Ang SDC-SCSCP ay may tungkulin na tukuyin ang mga programa, aktibidad at mga proyekto para sa taunang pagdiriwang.

Ang lahat naman ng opisyal ng gobyerno ay inatasan na makiisa at magbigay ng kinakailangang suporta at tulong sa SDC-SCSP.

Ang local government units (LGUs) at pribadong sektor ay hinihikayat naman na makiisa sa pagdiriwang habang inatasan naman ang Presidential Communications Office (PCO) na magpatupad ng epektibong hakbang para ipabatid at hikayatin ang publiko na suportahan ang mga programa, aktibidad at proyekto para sa Social Protection Month celebration. (Daris Jose)

Other News
  • CHED nakiisa sa PSC, DOH, GAB; sumunod tayo sa guidelines

    Nakiisa ang Commission on Higher Education (CHED) sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board, at Department of Health sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan  ng student-athletes sa gitna ng the coronavirus disease 2019 pandemic.   “Safety of our students is the topmost concern,” ani CHED chairman Prospero De Vera at hinimok ang lahat […]

  • PAGSASARA SA MGA SHOPPING MALLS, PINAG-AARALAN PA

    WALA pang plano  ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping malls at iba pang establisimyento sa lungsod.

  • DENNIS, parang winner sa rami ng bumati at nakapagpapirma pa kay BONG JOON HO; JOHN, wagi ng Volpi Cup for Best Actor sa ‘ 78th VIFF’

    SI John Arcilla ang tinanghal na Best Actor at ginawaran ng Coppa Volpi (Volpi Cup) sa katatapos na 78th Venice International Film Festival sa Venice, Italy.      Hindi naka-attend si John sa filmfest pero ang Kapuso Drama Actor na si Dennis Trillo na nominated ding Best  Actor sa On The Job: The Missing 8 ang […]