• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda

ISINUSULONG  sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.

 

 

Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.

 

 

Sa kabila na isa ang fishing sector na major contributor sa suplay ng pagkain sa bansa ay kabilang ito sa pinakamahirap.

 

 

Ayon sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Fisheries Situation Report for Major Species, ang total fisheries production ay tumaas ng 4,339.89 libong metric tons o 2.2% noong 2022 kumpara sa nakalipas na taon na 4,248.26 libong metric tons.

 

 

Lumabas din sa ulat ang pagtaas sa produksyon sa marine municipal fisheries and aquaculture, samantalang ang commercial at inland municipal fisheries ay dumanas naman ng setbacks sa nasabi ring taon.

 

 

Ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakapag-contribute naman ang municipal at aquaculture sub-sectors ng 73% sa total production ng fisheries sector mula 2011 hanggang 2020.

 

 

Base sa preliminary estimates ng PSA’s 2021 poverty statistics, ang mga nasa sector ng pangingisda ay nakapagrehistro ng mataas na poverty incidence rate na 30.6%, mas mataas sa 26.2% na naitala naman noong 2018.

 

 

Kapag naipasa bilang batas, ang mga benepisaryo ng programa ay otomatikong maisasama sa sakop ng National Health Insurance program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

(Ara Romero)

Other News
  • VP Sara Duterte, magsisilbing ‘game changer’ kontra communist terrorist group – NTF-ELCAC

    KUMPIYANSA ang National Task Force to end local communist and armed conflict na magsisilbing ‘game changer’ si Vice President Sara Duterte para sa magiging transition ng kanilang stratehiya sa paglaban kontra sa communist terrorist group sa Pilipinas.     Ito ay matapos na italaga ang Bise Presidente bilang Co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC na malaki aniya […]

  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]

  • Obiena may bagong event

      HINDI na matutuloy ang World Athletics-sanctioned international pole vault event na itataguyod sana ni two-time Olympian Ernest John Obiena.   Nakatakda sana ito sa Setyembre 20 sa Ayala Triangle sa Makati City.   Sa halip, nais ni Obiena na gagapin na lamang ito sa susunod na taon.   “I am truly sorry for this. […]