• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels

TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP).

 

 

“Si Justice Sadang ay naging Associate Justice ng Court of Appeals nung 2011 up to 2017, presiding judge ng RTC Cavite City nung 2000 up to 2011 at talagang dumaan sa pag-iiscreen at kami ay nagpapasalamat kay Justice Melchor Quirino Cabarroguis Sadang sa pagtanggap niya bilang 5th member nitong advisory group,” ayon kay Abalos.

 

 

Una nang tinukoy ni Abalos ang apat pang mi­yembro na sina retired police general at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., dating defense secretary Gilberto Teodoro at retired police general Isagani Nerez.

 

 

Magko-convene na ang komite sa Lunes ng susunod na linggo. Ang naturang komite ang magsusumite sa Napolcom ng mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya na ang courtesy resignation ay kanilang tatanggapin, para sa panibagong beripikasyon bago tuluyang isumite ito sa Pangulo.

 

 

Inaasahan ni Abalos na magiging patas ang isasagawang assessment at matatapos nila ang naturang proseso sa loob ng 3 buwan. (Daris Jose)

Other News
  • 6 Pinoy galing India COVID-19 positive nang i-quarantine dahil sa ‘new variant’ scare

    Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilang kataong inooberbahan nila kaugnay ng kinatatakutang bagong variant ng sakit.     Hanggang ika-14 ng Mayo magpapatupad ng “travel ban” sa India matapos kumalat doon ang B.1.617 COVID-19 variant na sinasabing mas nakahahawa. India rin ang nakapagtatala ng may pinakamatataas na daily COVID-19 […]

  • ANGELICA, desidido at willing talaga na iwanan ang kasikatan

    IKINABIGLA ng co-hosts ni Angelica Panganiban na sina Kean Cipriano at Via Antonio sa digital show na #AskAngelica sa kanyang rebelasyon sa episode 3 na kung saan guest si Glaiza De Castro.   Iiwanan na pala ni Angelica ang kasikatan niya o showbiz career kapag natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.   […]

  • 2 RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK

    NASAWI ang dalawang rider nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.     Kinilala ang  mga biktima na si Jake Tiburania,nasa hustong gulang ng 14 San Vicente St., Pineda, Pasig City at backride na si Brix Deuna Urot, nasa hustong gulang at nakatira sa 0009 Sitio […]