• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Calabarzon, todo ang suporta kay Leni Robredo

DAAN-DAANG libong mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo ang dumalo sa kanyang mga people’s rally sa Laguna, Cavite, at Batangas nitong mga nakaraang araw patunay na napakalakas ng kanyang kampanya pagka-Pangulo ilang araw bago ang May 9 national elections.

 

 

Ang lahat ng mga tao – kasama ang mga naglalakihang artista ay nanindigan na hindi sila bayad para dumalo sa mga rally. Sa katunayan, ang kanilang mga kongresista at iba pang local leaders ay nanguna rin sa pag-endorso kay Robredo bilang susunod na ­Pangulo ng bansa.

 

 

Ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec), ang Region 4-A Calabarzon – ­Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon – ay ang rehiyon na may pinakamaraming nakarehistrong botante. Sa datos ng Comelec, mayroon 9,193,096 na botante sa Calabarzon.

 

 

Si Congresswoman Sol Aragones ng ikatlong distrito ng Laguna, inanunsyo ang kanyang suporta para kay Robredo noong grand rally sa Sta. Rosa noong April 29.

 

 

Higit sa 225,000 katao ang dumalo sa “Tanglaw Laguna Rally”, isa sa mga pinakamalaking people’s rally ni Robredo.

 

 

Si Congressman Dan Fernandez ng ­unang distrito ng Laguna ay umak­yat din ng entablado para iendorso si Robredo sa harap ng daan-daan niyang mga kababayan.

 

 

Dumalo rin sa people’s rally sina dating Laguna governor Joey Lina, dating San Pedro Mayor Calix Cataquiz, kumakandidato pagka-San Pablo City mayor na si Amante, at dating former Rizal Mayor Rolen Urriquia.

 

 

Sa Cavite kung saan higit sa 100,000 katao ang pumuno ng New City of Dasmariñas Football Field noong Linggo, kasama ni Robredo sa entablado sina Cavite 3rd District Congressman Alex Advincula, Cavite 4th District Congressman Pidi Barzaga, Jr., at ang kanyang misis na si Dasmariñas City Mayor Jenny Austria-Barzaga.

 

 

Mga barako naman sa Batangas ang nag-endorso kay Robredo kung saan higit sa 280,000 ang dumalo sa “Barako para kay Leni-Kiko” grand people’s rally na ginanap sa Bauan, Batangas noong April 30.Dito ay inendorso ni Batangas 2nd District Congressman Raneo “Ranie” Abu si Robredo.

Other News
  • Nais maging pribado ang tungkol sa kanila ni Kathryn: ALDEN, nagbabala sa publiko laban sa fake tweets

    NAGBABALA si Alden Richards sa publiko laban sa fake tweets na ginagamit ang kaniyang pangalan, pati sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.       Muling sinabi ni Alden na nais niyang maging pribado ang tungkol sa kanila ni Kathryn.       “Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words […]

  • Kobe Bryant Jersey posibleng maibenta ng P385-M

    Posibleng maibenta sa auction ng hanggang $7 millyon ang basketball jersey ng NBA star na si Kobe Bryant.   Ang jersey ay isinuot ni Bryant sa unang round ng 2008 Western Conference finals laban sa Denver Nuggets.   Ayon sa Sothebys auction na hindi pa rin nito mahihigitan ang jersey na isinuot ni Michael Jordan […]

  • Belmonte, Sotto naghain ng reelection bid sa pagka-mayor, bise ng QC

    Isang termino pa ang inaasam ngayon ng kasalukuyang alkalde’t bise alkalde ng Lungsod ng Quezon matapos nilang maghain ng kanilang kandidatura sa susunod na eleksyon sa darating na taon.     Ika-5 ng Oktubre, Martes, nang maghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) sina incumbent QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto para […]