• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Calibrated importation’ ng mga sibuyas, ipatutupad ni PBBM

Planong magpatupad ng “calibrated importation” ng mga sibuyas sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa gitna ito ng mga agam-agam ng ilan sa ating mga kababayan hinggil sa pag-aangkat ng sibuyas ng pamahalaan dahil sa kawalan ng suplay nito sa mga merkado.

 

 

Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Kristine Evagelista, layon nito na pangalagaan ang mga magsasaka sa bansa.

 

 

Aniya, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang mga reports ukol dito kabilang na ang dami ng mga indibidwal na nag-apply sa ilalim nito.

 

 

Paglilinaw ni DA, ito ay bahagi ng itinatag na parameters ng Bureau of Plant Industry (BPI) na mangangalaga sa mga ani ng mga kababayan nating magsasaka at naglilimita na rin sa importasyon ng mga produktong agrikultura sa bansa.

 

 

“So a calibrated importation was something they had to look into… As of now, we are waiting for reports kung ilan po ang nag-apply and at the same time I don’t know if you noticed, mayroon pong cutoff iyong ating importation unlike before,” ayon kay Evangelista.

 

 

Samantala, bukod dito ay iniulat din ng opisyal na sa ngayon ay bumaba na sa Php 250 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas.

 

 

Bagay na kasalukuyan pa rin aniya nilang ivalidate upang tiyakin na hindi lamang ito ipinapatupad sa iisang lugar lamang sa Pilipinas.

 

 

Ngunit nilinaw niya na batay sa ginagawang monitoring ng ahensya sa 13 merkado sa Metro Manila ay pumapalo pa rin sa Php400 hanggang Php550 ang presyo ng retail prices ng sibuyas.

Other News
  • Mas maraming insentibo para sa mga Filipino scientists, hangad ni PBBM

    INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Science and Technology (DOST)  na maghanap ng paraan para mapagkalooban ng karagdagang insentibo ang mga  Filipino scientists.     Sa idinaos na 8th Annual Balik Scientist Program Convention,  hinikayat ni Pangulong Marcos ang marami pang Filipino scientists na manatili sa bansa at ibahagi ang kanilang kaalaman […]

  • 8 MOST AWAITED SHOWS AND FILMS THIS OCTOBER ON NETFLIX

    READY for your monthly run- down of all things Netflix?   If you’re the kind who need to plot your binge-watching schedules for the month, worry not, because we’re giving you a rundown of the most awaited shows and films launching on Netflix this October.   Barangay 143 (October 1) Barangay 143 is a Filipino-Japanese […]

  • Bulkang Taal pumutok uli, nagpakawala ng ‘phreatomagmatic burst’

    Habang nagpapatuloy ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal, siya ring pagpapatuloy ang pag-aalburoto nito noong Miyerkoles  sa pamamagitan ng isang “phreatomagmatic burst.”     Bandang 6:47 a.m. nang lumikha ng madilim na usok ang naturang burst 200 metro pataas mula sa bunganga ng bulkan, ayon sa ulat ng Phivolcs, Huwebes.     Bago ang […]