• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan City Jail naka-heightened alert dahil sa riot

SINIBAK na sa pwesto ang Jail Superintendent ng Caloocan City Jail, matapos ang madugong riot na ikinasawi ng anim na preso at 33 ang sugatan.

 

 

Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda nag assume na ngayong araw bilang Officer-in-Charge ng pasilidad si Jail Superintendent Lloyd Gonzaga matapos alisin sa pwesto si Jail Superintendent Neil Subibi dahil sa command responsibility.

 

 

Nananatiling naka-heightened alert ang Caloocan City Jail matapos ang nangyaring riot kahapon na nagsimula lamang sa pikunan ng dalawang PDL hanggang lumaki na ito at naging away na sa pagitan ng dalawang malaking grupo.

 

 

Kinumpirma ni Solda na anim na PDL ang nasawi sa insidente habang 33 naman ang nasugatan.

 

 

Nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng Caloocan City Jail sa pamilya ng mga nasawi.

 

 

Sinabi ni Solda, matapos naman ang dayalogo sa mga PDL, nagsagawa rin ng Greyhound Operations kagabi sa pasilidad upang linisin ang mga selda mula sa anumang kontrabando.

 

 

Aniya, mananatili muna ang karagdagang pwersa na inilatag sa pasilidad upang seguruhin ang kaayusan at katahimikan dito.

 

 

Pansamantala rin munang itinigil ang anumang aktibidad sa pasilidad habang isinasagawa ng BJMP ang malalimang imbestigasyon sa pangyayari.

 

 

Ipinag-utos na rin ni BJMP chief Jail Director Allan Iral sa pamunuan ng BJMP NCR ang pagpapabilis na maibalik ang normalidad sa loob ng Caloocan City Jail.

 

 

Sa kasalukuyan, tahimik at maayos na sa loob ng pasilidad.

 

 

Bagama’t ikinalulungkot ng BJMP ang mga pangyayaring gaya nito, tuloy pa rin ang trabaho ng BJMP para isulong ang mga programang makatutulong sa mga kapatid nating nasa piitan. (Richard Mesa)

Other News
  • Pacquiao may wax figure na sa Hong Kong

    Labis ang pasasalamat ni Sentaor Manny Pacquiao matapos na gawan ito ng wax figure ng sikat na Madame Tussauds museum sa Hong Kong.     Makikita ang nasabing wax figure ng fighter senator sa Hong Kong kung saan nakasuot ito ng boxing gloves, shorts na kaniyang isinusuot tuwing may laban ito.     Hinangaan ang […]

  • Mga Navoteñong nasunugan, nakatanggap ng tulong na tig-P10K mula kay Sen. Go at NHA

    NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal na tig-P10,000 mula sa National Housing Authority (NHA) at kay Senador Bong Go ang nasa 1,328 pamilyang Navoteñong nasunugan sa isinagawang aktibidad sa Navotas Sports Complex, kamakailan. Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang pamamahagi ng tulong pinansiyal […]

  • Aminadong welcome na welcome sa kanyang pamilya: JULIE ANNE, hindi pangungunahan si RAYVER sa pagsasabi ng kanilang status

    MABILIS na “yeah” ang sagot ng tinaguriang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose nang sabihin namin sa kanya na feeling namin, very welcome si Rayver Cruz sa pamilya niya, especially sa kanyang mga magulang.   Madalas kasing makita na nasa bahay niya ang Kapuso actor sa mga social media posting nila.   […]