• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan LGU, pinalakas ang partnership sa local cooperatives

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng Cooperative Development and Coordinating Division (CDCD), ang pagdiriwang ng taunang Cooperative Month ngayong Oktubre na may iba’t ibang aktibidad na nakahanay upang kilalanin ang mga kontribusyon ng mga kooperatiba sa paglago ng ekonomiya ng lungsod, tulungan sila sa mga kinakailangan para sa pagpaparehistro sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at pagbutihin pa ang kanilan mga kakayahan sa pamamahala at pananalapi.

 

 

 

Sinimulan ang mga aktibidad sa Motorcade, Salu-salo, at Coop Singing Content na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa mga rehistradong kooperatiba ng lungsod, habang ang Mandatory Trainings at ang Recognition of Top Performing Cooperatives ay gaganapin sa mga susunod na linggo.

 

 

Pinuri ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng miyembro at opisyal ng mga lokal na kooperatiba na nakilahok sa mga inisyal na aktibidad ng CDCD at iba pang mga programa upang matiyak na ang bawat kooperatiba ay magiging kapaki-pakinabang sa kani-kanilang mga miyembro at komunidad.

 

 

“Maraming-maraming salamat po sa CDCD at sa lahat ng mga bumubuo ng mga kooperatiba sa ating lungsod. Para sa inyo po ang mga programang nakalatag ngayong Coop Month at titiyakin natin na matutulungan kayo ng pamahalaang lungsod sa inyong mga pangangailangan,” ani Mayor Along.

 

 

“Batid ko po na mayroong mga maliliit at mga nagsisimula pa lamang na kooperatiba sa ating lungsod, kaya naman po patuloy pa nating palalakasin ang ating mga programa upang matutukan natin ang paglago ng inyong mga samahan,” dagdag niya.

 

 

Hinikayat din niya ang pangkalahatang publiko na suportahan ang mga lokal na kooperatiba sa kanilang mga pagsisikap. (Richard Mesa)

Other News
  • Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas

    NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak.     Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas  araw ng Linggo.     Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na […]

  • Debate ng mga kandidato, ipapaubaya sa entity

    SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na ipapaubaya nila sa anumang entity ang pagsasagawa ng debate ng mga kandidatura para sa 2025 elections.   Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi rin nila pipilitin ang mga magiging kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate.   Hindi rin aniya nila pakikialaman kung ano ang mga itatanong […]

  • Bakit OD?

    MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.   Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.   Pero sabi ko general […]