• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bakit OD?

MAY mga kasamahan akong sportswriter na nag-iisip kung paano ko naisip ang pamagat ng aking kolum na lumalabas araw-araw dito sa pahayagang inyong pinagkakatiwalaan – People’s BALITA.

 

Sabi kasi ng ilan sa kanila dati, na sigurado silang basketbol ang tiyak na magiging paksa ko sa mula Lunes hanggang Sabado.

 

Pero sabi ko general sports. Kasama lang ang basketball.

 

Anila, Opensa Depensa e.

 

Sabi ko, oo puwede sa basketball. Pero maari rin sa pangkalahatang sports.

 

Pinunto ko na pumupuri at bumabanat ang OD sa magagandang ginagawa ng ating mga sports official, athletes at coaches, pamahalaan, organisasyon at iba.

 

Bumabatikos din naman kapag sa tingin ko na may palpak ang mga kinauukulan.

 

Halimbawa sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), National Sports Associations (NSAs), Philippine Basketball Association (PBA), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), PBA Developmental League (PBADL);

 

National Collegiate Athletic Association (NCAA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Women’s National Basketball League (WNBL), National Basketball League (NBL), Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP);

 

Philippine Paralympic Committee (PPC), sa mga NSA pa rin tulad ng Philippine Cano Kayak Dragon Boat Federation, Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI), Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at iba pa.

 

Gayundin sa Games and Amusements Board (GAB), Philippine Racing Commission (PHILRACOM) at iba pang mga sports organization.

Other News
  • Excavation activities ng Manila Water tigil muna sa panahon ng holiday

    SINUSPINDE muna ng Manila Water ang ginagawang excavation activities sa mga pangunahing lansangan sa East Zone ng  Metro Manila bilang pagtalima sa government resolution hinggil sa pag­hahanda sa nalalapit na kapaskuhan.     Unang nagpalabas ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ng Memorandum Circular No. 15 Series of 2023, na nag-uutos ng  temporary suspension sa  […]

  • Pagpapa-sexy, ‘di big deal sa asawang si Norman: BEAUTY, happy na sa anak na si OLIVIA at sa aso nilang si Pepito

    MARAMING napahanga at napanganga sa sexy photos ng talented Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na kung saan naka-two-piece siya.     At bilang isang wellness enthusiast, mahalaga para kay Beauty na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon siya ng balanseng buhay bilang isang aktres, asawa, at ina kaya naman bagay na bagay ang karapat-dapat […]

  • Speaker Ferdinand Martin Romualdez pinuri ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura sa kahilingan ni Teves

    PINURI  ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang gobyerno ng Timor-Leste sa pagbasura nito sa kahilingan ni Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na political asylum sa nasabing bansa.     Sa pagtanggi na ito ng naturang bansa, muling nanawagan ang speaker kay Teves na umuwi na ng Pilipinas, ayusin ang kanyang suspensiyon sa Kamara […]