CAMPAIGN POSTER PAPAYAGAN SA PRIBADONG LUGAR
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
PAHIHINTULUTAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga ilegal na campaign posters na manatili sa mga pribadong pag-aari, ngunit ang mga may-ari ay kailangang harapin ang kaso para sa election offense.
Ito ang paliwanag ng Comelec sa gitna ng reklamo mula sa kampo ng mga kandidato at kanilang supporters kaugnay sa Oplan Baklas.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez sa media na ang poll body ay maaaring maglabas ng bagong implementing rules and regulations (IRR) na mangangailangan ng written consent ng mga private property owners bago tanggalin ng mga tauhan ng poll body ang mga posters sa pribadong pag-aari.
“One of the biggest features of the planned IRR is that we will be requiring our field officials to get a written consent before they can enter into private property. The Comelec has always abided by the policy that we will not enter into private property unless there is consent by the property owner. We will take that a step further by requiring the officer to produce a written consent form. Written consent para malinaw to all and sundry na even if they are not there during the event at para may patunay tayo na nagbigay talaga ng paalam yung property owner,” sabi ni Jimenez.
Sakaling tumanggi ang may-ari, bibigyan sila ng abiso na tanggalin ang poster sa loob ng 3 araw o mahaharap sa kasong election offense kung saan sinabi ni Jimenez na maaaring pagkakulong, multa at maging disqualification sa paghawak ng pampublikong tungkulin.
“If the property owner refuses to give consent then a case is possible in the meantime the posters stay up,” ayon pa kay Jimenez.
Kinumpirma ni Comelec commissioner Rey Bulay, pinuno ng National Campaign Committee, na lalabas sila sa mga patakaran.
“The commissioners held an en banc meeting specifically para doon sa Oplan Baklas. What I proposed is the creation, the passing of an IRR kasi iba na sitwasyon ngayon, the law may have not evolved 21 years ago but situations change, you now have social media to ventilate ‘yung mga ganyan kaya ang drumbeating grabe,” ani Jimenez.
Dagdag pa nito, ang Oplan Baklas ay hindi sinuspinde. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Lalaking wanted sa rape sa Ormoc, natimbog sa Caloocan
NAGWAKAS na ang 11-taon pagtatago ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City. Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, […]
-
Jesus; John 15:4
Live in me and I in you.
-
Construction worker timbog sa 328 grams marijuana
Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio […]