Canada-PH defense cooperation deal, inaasahan sa January 2024
- Published on November 28, 2023
- by @peoplesbalita
UMAASA ang Canada at Pilipinas na mapipirmahan ng mga ito ang memorandum of understanding (MOU) hinggil sa defense cooperation sa Enero 2024.
Isang kasunduan na makapagbubukas sa oportunidad para sa isang visiting forces agreement (VFA).
Sa isang panayam, sinabi ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na tinapos na ng dalawang gobyerno ang “final language” ng kasunduan at umaasa na matitintahan ito “very early in the new calendar year.”
“Our minister has talked about, let’s explore next a visiting forces agreement, right? So, once we have this defense MOU under our belts, then that will allow us to open up a whole world of opportunities,” ayon kay Hartman.
Idinagdag pa niya na ang posibleng VFA kasama ang Pilipinas ay maaaring pinakabagong Canada na mayroon sa Asya kapag inilipat na nito ang pagtuon sa Indo-Pacific.
Ang Pilipinas ay mayroong visiting forces agreements sa Estados Unidos at Australia, nagbibigay ng legal framework para sa presensya ng puwersa ng bansa sa iba.
Nauna rito, nagdesisyon naman ang Maynila na simulan ang negosasyon para sa kahalintulad na kasunduan sa Japan, tatawaging Reciprocal Access Agreement.
Naniniwala si Hartman na ang Canada ay magiging “very stalwart partner” ng Pilipinas kapuwa sa counterterrorism at territorial defense.
Sinabi pa ni Hartman na “Canada’s push to bolster its defense cooperation with the country also shows its commitment to the region under its new Indo-Pacific strategy.”
Hindi naman nito isinasara ang pintuan para sa “future joint patrol” kasama ang Pilipinas sa South China Sea.
“We’ve had joint sails so far. Until we have a defense treaty we can’t do joint patrols,” paliwanag nito.
“But one can only imagine, as we deepen and broaden our engagement here, those would be areas of opportunity that we wish to explore,” dagdag na pahayag ni Hartman. (Daris Jose)
-
ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN
SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR). Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng mahigit 12,000 nitong […]
-
Next admin, suportado ni Bong Go
BILANG nagpapatuloy na senador, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na susuportahan niya ang bagong papasok na administrasyong Bongbong Marcos at Sara Duterte, lalo ang pagpapatuloy ng magagandang programa na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naunang umapela si Go sa mga Pilipino na itaguyod ang kasagraduhan at igalang ang resulta ng katatapos na […]
-
Gumabao huwarang atleta
HINDI lang magagaling ang ating mga mga elite at national athlete, kasama siyempre ang mga volleybelle. Matitinik sila sa playing court, pati rin pagdating sa pagtulong sa mga kapwang nangangailangan ng pagkalinga. Isang taon na nitong Marso 15 nang mag-lockdown ang ‘Pinas. Nagsulputan ang mga manlalaro para sa mga […]