• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Cancel culture’ ginagamit sa pag-iwas sa mga debate

NANINIWALA  ang kampo ni presidential candidate at Vice Pres. Leni Robredo na pinaiiral ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang “cancel culture” para makaiwas sa mga debate at political rallies.

 

 

Sinabi ni dating congressman Erin Tañada, campaign manager ng Robredo-Pangilinan tandem na ang pagiging pangulo ng bansa ay hindi isang laro ng taguan at ang pagiging lider ay nangangahulugan ng pagsipot at pagtupad sa mga pangako.

 

 

“If what drives Marcos to go back to Malacañang is to relive the ‘taguan’ game in the house of his youth, naku delikado ang bayan dyan,” ayon kay Tañada.

 

 

Iginiit pa niya na napaka-importante sa isang kandidato na maipaliwanag niya ang kanyang plataporma, lalo na sa mga nagnanais na maupo sa palasyo.

 

 

Hindi rin umano palaging magtatago si Marcos sa panawagan niya ng pagkakaisa.  Idiniin ni Tañada na ang pagkakaisa ay hindi isang plataporma at hindi rin isang plano.

 

 

“Yes, we can be united, but united for what? United for whom? Marcos is not a unifier, he’s the most divisive factor in this election,” ayon pa sa dating mambabatas.

 

 

Kung himalang mananalo sa halalan, sinabi pa ni Tañada na ang ugali ni Marcos na kanselahin ang kanilang mga aktibidad sa publiko ay mauuwi rin sa pagkansela niya sa mahahalagang bagay kung siya ay mauupo.

 

 

“Ngayon debate at rallies lang ang kanyang kina-cancel, kung bibigyan ‘yan ng pagkakataon, ang ika-cancel nya ang asenso ng bansa, ika-cancel niya ang ating COVID recovery, kanselado ang ating pag-unlad,” diin pa ni Tañada.

 

 

Bukod sa hindi pagdalo sa mga debate, nabatid rin na ilang pagtitipon ang kinansela na ni Marcos kabilang ang isang political rally sa Antique nitong Pebrero 24.

 

 

Kabaligtaran umano ito ngayon sa marami at magkakahiwalay na political rally na isinasagawa naman ng kampo ni Bise Presidente Leni Robredo na dinudumog ng tao dahil sa alam nila na magpapakita ang kandidato kahit anong mangyari.

Other News
  • Travel ban sa Taiwan, binawi na ng pamahalaan

    Binawi na ng pamahalaan ang pag-iral ng travel ban sa Taiwan.   Dahil dito, maaari na muling makabiyahe anuman ang nationality mula Pilipinas patungong Taiwan at mula Taiwan pabalik ng Pilipinas.   Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang pagbawi sa ban ay napagpasyahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease […]

  • PDu30, inaprubahan ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers

    INAPRUBAHAN  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng hazard pay sa lahat ng government workers na kailangan na pisikal na magreport sa trabaho habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) period mula Abril 12 hanggang Mayo 14 o Mayo 31.    Sa pamamagitan ng Administrative Order 43, na ipinalabas araw ng Miyerkules, […]

  • Ads January 7, 2023