• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cardinal Advincula, nakaramdam ng takot ng italagang arsobispo ng Manila

Inihayag ng bagong talagang arsobispo ng Maynila na pagbabahagi ng biyaya ng bokasyon ang pagkahirang niya bilang pinuno ng arkidiyosesis.

 

 

Sa panayam ng Radio Veritas kay Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula, sinabi nitong bilang pastol ng simbahan ay mahalagang maibahagi sa mananampalataya ang kaloob ng bokasyon na kanyang tinanggap.

 

 

“Having been chosen by God to be one of his ordained ministers is already a gift for me, a gift not to be kept for myself alone but this is also a gift that should be used by me for the service of the people of God,” pahayag ni Cardinal Advincula.

 

 

Matatandaang ika-25 Marso, 2021 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Our Lady of Annunciation ay pormal na itinalaga si Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Maynila makaraan ang mahigit isang taong sede vacante.

 

 

Sinabi ng Cardinal na nakaramdam ito ng bahagyang takot sapagkat ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglingkod siya sa highly urbanized city.

 

 

Unang nanilbihan ang arsobispo ng isang dekada sa Diyosesis ng San Carlos sa Negros noong 2001 bago mailipat sa Arkidiyosesis ng Capiz noong 2012 hanggang sa kasalukuyan.

 

 

Sa kabila nito buong pusong ipinagkatiwala ng Cardinal sa Panginoon ang kanyang bagong misyon na maging punong pastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ng Arkidiyosesis.

 

 

“Ang naramdaman ko when I was told by the nuncio that the Holy Father has appointed me na archbishop of Manila yung takot kasi that will be my first time to be assigned sa isang highly urbanized area ang Metro Manila which is the capital of the country; I know it is very challenging assignment and very overwhelming but because this is the will of God and of the Holy Father then by obedience I have to accept, ” ani Cardinal Advincula.

 

 

Si Cardinal Advincula na tubong Dumalag Capiz ay ipinanganak noong Marso 30, 1952 at naordinahang pari noong Abril 14, 1976 sa Arkidiyosesis ng Capiz.

 

 

Naging spiritual director ng St. Pius X Seminary sa Capiz kung saan nagturo at naging Dean of Education.

 

 

Nag-aral ng psychology sa De La Salle University of Manila, canon law naman sa University of Santo Tomas, licentiate ng canon law sa Pontifical University of Saint Thomas Aquinas-Angelicum sa Roma.

 

 

Bukod pa rito nagsilbi rin ang Cardinal sa seminaryo ng Vigan, Nueva Segovia at ng Jaro sa Iloilo. Nobyembre 28, 2020 nang maging Cardinal habang Disyembre 26, 2020 naman ng italaga kasapi ng Congregation for the Clergy ng Vatican.

 

 

Si Cardinal Advincula ang kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle makaraang italaga ng Santo Papa bilang Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples sa Vatican noong 2019. (Gene Adsuara)

Other News
  • Malakanyang, humingi ng paumanhin sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang P930 milyong utang sa PRC

    HUMINGI ng paumanhin ang Malakanyang sa naging kabiguan ng state medical insurer PhilHealth na bayaran ang utang nito na umabot sa P930 milyon sa Philippine Red Cross (PRC) dahilan upang mapilitan ang huli na itigil ang COVID-19 tests.   Ang PRC ang responsable para sa 1 milyong COVID-19 tests, o 1/4 ng 3.8 million tests […]

  • Natuwa nang malamang nagkabati na sila ni Lotlot: CHRISTOPHER, pinag-iingat si NORA matapos ma-ICU dahil sa pulmonary disease

    MASAYA si Kapuso actress Kylie Padilla na laging nagti-trending at nakakakuha ng mataas na rating gabi-gabi ang sports serye niyang Bolera after First Lady sa GMA Primetime, with Rayver Cruz and Jak Roberto.     Pero hindi lamang ang successful serye ang nagpapasaya kay Kylie. Nakakatuwa ang pagsi-share niya ng Instagram Stories post niya na […]

  • Rosegie Ramos, Lovely Inan itataas bandila ng Pilipinas sa World lifting

    PILIT na pagliliyabin nina 32nd Hanoi Southeast Asian Games bronze medalist Rosegie Ramos at papangaangat na lifter na si Lovely Inan ang kampanya ng siyam-kataong Team Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na itinakda simula Disyembre 5 hanggang 16 sa Bogota, Columbia.     Ang 19-anyos na si Ramos ay produkto ng weightlifting […]