• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT

MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan.

 

Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7.

 

Hindi naman kasi maiwasan ni Tagle ang makipaghalubilo sa mga tao bilang kilalang mataas na opisyal sa Vatican.

 

Nalaman na umuwi sa Pilipinas si Tagle para dalawin ang kanyang mga magulang sa Imus ,Cavite pero hindi pa niya ito magagawa dahil kinakailangan na sumailalim siya sa 14 na araw na quarantine period .

 

Nabatid na asymptomatic naman ang Cardinal at walang nararamdaman na sintomas ng COVID-19 sa katawan.

 

Gayunman, patuloy na humihingi ng panalangin sa publiko ang CBCP para sa paggaling ni Cardinal Tagle.

 

Nalaman sa hanay ng CBCP, may lima na ang dinapuan ng COVID-19, kabilang na ang namayapang si Emeritus Arch.Oscar Cruz. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Djokovic, na-disqualify sa US Open matapos tamaan ang judge

    Na-disqualify si Novak Djokovic sa US Open matapos tamaan niya ng bola ang line judge.   Naganap ito sa fourt round ng mag-serve ang Serbian tennis star kung saan lamang ang kalaban na si Pablo Carreno Busta ng Spain. Tinamaan nito sa leeg ang babaeng line judge ng ito ay magse-serve sana.   Matapos ang […]

  • CHED sa mga nagsusulong ng ‘academic freeze’: ‘Maghain kayo ng petisyon’

    Hinikayat ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga nananawagan ng “academic freeze” na magsumite ng pormal na petisyon upang maipagpaliban ang academic year.   Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, dapat nakapaloob  sa petisyon ang isang pag-aaral na magiging batayan ng academic freeze.   “I suggest those who are proposing any change in […]

  • MRT-3 rehab matatapos na sa Disyembre 2021

    Magtatapos na sa Disyembre 2021 ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaya’t asahan na umano ang mas marami pang operational trains at mas mabilis na turnaround time ng rail line.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dahil sa rehabilitation project ay dumami ang bilang ng mga operational trains ng […]