• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED sa mga nagsusulong ng ‘academic freeze’: ‘Maghain kayo ng petisyon’

Hinikayat ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga nananawagan ng “academic freeze” na magsumite ng pormal na petisyon upang maipagpaliban ang academic year.

 

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, dapat nakapaloob  sa petisyon ang isang pag-aaral na magiging batayan ng academic freeze.

 

“I suggest those who are proposing any change in the academic policy, do a serious study, compute the cost, look at options, look at the parameters and submit it to the commission,” wika ni De Vera.

 

Pahayag ito ni De Vera isang araw matapos ang pahayag ng Department of Education (DepEd), na nangangasiwa sa basic education program sa bansa, na mariin nilang tinututulan ang “academc freeze.”

 

Giit ng DepEd, hindi raw binibigyang-pansin ng mungkahi ang epekto ng mahabang pagkaantala sa learning process ng mga bata.

 

Una nang hinimok ng CHED ang mga pamantasan at unibersidad na magpatupad ng flexible learning kung saan ang mode of learning ay nakadepende sa resources na available sa mga estudyante at mga guro.

 

Magagawa ito sa pamamagitan ng online classes, printed at digital learning materials, at iba pa.

 

Target din ng komisyon na magsagawa ng limitadong in-person classes sa mga lugar na mababa ang risk ng COVID-19 transmission sa Enero.  (Daris Jose)

Other News
  • No unloading incidents sa MRT 3 ngayon tumataas na ang ridership

    WALANG naitalang unloading incidents sa Metro Rail Transit 3 simula pa noong nakaraang taon habang tumataas naman ang bilang ng mga pasahero nito.     “MRT 3 has been hitting more than 350,000 weekday ridership for now beginning May 25 with the highest at 370,276 passengers recorded last June 6 and yet no unloading incidents […]

  • Nakatanggap na naman ng pamba-bash: CARLO, no show sa third birthday party ng anak na si MITHI

    NAG-POST ng 3rd birthday party pictures ni Mithi si Trina Candaza sa kanyang Instagram account.   Obviously, tulad ng mga nakaraang birthday party ni Mithi, halatang pinaghandaan at binonggahan pa rin ang 3rd birthday ng anak nila.   Iba’t-ibang pictures ang pinost ni Trina na kuha sa party. Meron din na kasama ang mga bisita, […]

  • Nakagugulat ang naging rebelasyon: GLADYS, makikiusap kay JUDY ANN para matuloy ang ideya na magsama sa isang concert

    NAKAGUGULAT ang rebelasyon ni GLADYS REYES na isang concert ang ideya niya na maging reunion project nila ni Judy Ann Santos. “Sa totoo lang, naisip ko na yan,” umpisang sinabi ni Gladys. “Kasi inspired by yung ginawa nina ate Sharon at kuya Gabby.” Kailan lamang ay idinaos ang reunion project nina Sharon Cuneta at Gabby […]