Caritas organization at SAC, kumikilos na para tugunan ang epekto ng lindol sa Abra
- Published on October 28, 2022
- by @peoplesbalita
KUMIKILOS na ang iba’t ibang Caritas Organization at Social Action Center ng Simbahang Katolika sa Northern Luzon upang alamin ang naging pinsala ng naganap na magnitude 6.7 na lindol nitong martes ng gabi.
Ayon kay Rev. Fr. Ronnie Pillos, Social Action Director ng Diocese of Laoag sa Ilocos Norte, bagamat sila ay nagpapasalamat sa Diyos na naging ligtas sa kapahamakan dulot ng paglindol ay nagsasagawa na sila ng post disaster assessment sa mga lugar na pinaka-naranasan ang pagyanig.
“Sa ngayon po awa ng Diyos ay okay kami in general pero mayroon pa din mga naapektuhan na grabe at sila po ang may pangangailangan. Minor damages lang po sa mga Simbahan [bagamat] may isang Simbahan na hindi makakapag-celebrate ng misa kasi delikado [yung] pader nila.” mensahe ni Fr. Pillos sa Radyo Veritas.
Ang nasabing Simbahan ay ang St. John Bosco Parish na matatagpuan sa bayan ng Dingras, sa Ilocos Norte.
Sinabi ni Fr. Pillos na na maglalabas ng ulat ang Diyosesis oras na makumpleto ang kanilang assessment at magsasagawa ng agarang pagtulong para sa mga apektadong residente kung kinakailangan.
Samantala, kumilos na din ang Archdiocese of Nueva Segovia sa pamamagitan ng social arm nito na Caritas Nueva Segovia upang alamin ang naging epekto ng lindol sa lalawigan ng Ilocos Sur ayon sa mensahe ni Rev. Fr. Danilo Martinez ang Direktor ng nasabing tanggapan.
“We are okay pero we are waiting for the reports coming from the different Parishes” mensahe ni Fr. Martinez sa Radyo Veritas.
-
PCO, hinikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente
SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat na pag-ibayuhin ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente sa harap ng napipintong pagsapit ng panahon ng tag-init. Sinabi ng PCO, hindi lamang sa mga kabahayan dapat sanang ugaliing gawin ang pagtitipid ng kuryente ngayong nararamdaman na ang tag-init kundi maging sa mga workplace. […]
-
‘Roving teachers’ sa mga low COVID-19 risk areas, inirekomenda
IMINUMUNGKAHI ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga pamahalaan na magkaroon ng “roving teachers” sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission risk. Naniniwala ang chairman ng Senate education committee na mas ligtas na pamamaraan ito kaysa buksan ang mga paaralan sa low-risk areas ng 30 percent sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic. […]
-
NEDA Board, aprubado ang pagbabaho sa flood control projects sa Cavite, NCR
NAGBIGAY ng ‘go signal’ ang National Economic and Development Authority (NEDA) Board para palawigin ang construction period at iba pang adjustments sa Cavite Industrial Area-Flood Risk Management Project (CIA-FRIMP) at Pasig-Marikina River Channel Improvement Project (PMRCIP) – Phase IV. Ang NEDA Board sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bilang chairman, […]