• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.

 

 

Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. matapos na aprubahan ng Pre-Trial Chamber (PTC) ng International Criminal Court na ipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa marahas na war on drugs.

 

 

“The resumption of the probe will allow due process to run its course and ensure justice and truth will prevail,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

 

 

Pagbabahagi ng Pari, ang naturang hakbang ay isang paraab  upang tuluyan ng mapanagot at maparusahan ang lahat ng sangkot sa naging talamak na extra judicial killings sa bansa.

 

 

Umaasa din si Fr. Labiao na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay muling maibalik ang integridad at tiwala ng taumbayan sa pamahalaan lalo’t higit para sa pagkakaroon ng transparency at patas na katarungang panlipunan.

 

 

“This is a step in the right direction to promote transparency, fairness, and trust in public institutions.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

 

 

Kaugnay nito, kabilang ang ilang institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights para sa pagkakaroon ng suporta sa pagsusulong ng edukasyon, capacity building, documentation of cases, resource mapping, at pagbibigay ayuda sa mga biktima ng human rights violations sa Pilipinas.

 

 

Pinangungunahan ang nasabing Technical Working Group on Human Rights ng Caritas Philippines, CBCP, katuwang ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Swiss Catholic Lenten Fund, Bicol Consortium for Development Initiatives (BCDI) Inc., at ang Task Force Detainees of the Philippines.

 

 

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs na inilunsad kasabay ng pagsisimula ng dating administrasyong Duterte noong taong 2016.

 

 

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Nagpasalamat sa higit na tatlong dekada na magkasama: SHARON, wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng kaibigan na si FANNY

    ILANG araw pagkatapos ng National Election, nadagdagan ang sobrang kalungkutan ni Megastar Sharon Cuneta dahil nagluluksa naman siya sa pagpanaw ng malapit na kaibigan na si Fanny Serrano.     Ramdam na ramdam ang kanyang IG post na may caption na, “Too much heartbreak, in only a matter of days.(kasama ng tatlong black hearts icon)” […]

  • Ads October 7, 2023

  • Barko ng China sa West Philippine Sea, lumobo sa 251

    LUMOBO na sa 251 ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa West Philippine Sea bunsod ng mga militia vessels na nakapaligid sa kinaroroonan ng BRP Sierra Madre.     Ayon sa report ng Philippine Navy, umaabot na sa 251 China Coast Guard (CCG) ships, People’s Liberation Army-Navy (PLA-N) warships at Chinese maritime […]