Carlo Paalam’s Olympic win,ipinagbunyi ng mga taga- CdeO
- Published on August 6, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam.
Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo Olympics sa Japan.
Ginawa ni Moreno ang reaksyon kasama ang constituents ng lungsod matapos tinalo ni Paalam ang isa sa mga pinakamalakas na katunggali nito na si 2016 Rio Olympics gold medalist Shakhobidin Zoirov sa quarterfinals.
Inihayag ng opisyal na nauunawaan umano nito ang naramdaman ng kanyang alaga kung bakit ito napaiyak matapos ideneklara na panalo via split decision kontra Zoirov.
Bagamat kasama ng pamilya ng Paalam ay hiningi rin ng alkalde ang karagdagang pagdarasal habang uusad pa sa dalawang natitirang laban upang magkaroon ng tsansa na makuha ang medalyang ginto para sa Pilipinas.
-
Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes
CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa. Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang […]
-
Tanging merit scholarship applications para sa freshmen ang apektado ng fund shortage- CHED
SINABI ng Commission on Higher Education (CHED) na tanging ang bagong aplikasyon para sa merit scholarships sa tertiary level ang apektado ng kakapusan sa pondo. “Ang hindi nalagyan o nagkulang ‘yung pondo ay ang tinatawag naming merit scholarships. Ito ang financial assistance based on grades,” ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera. […]
-
9.6 milyong kabataan target mabakunahan
Inaasinta ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 9.6 milyong kabataan na kabilang sa 12-17 age group bago matapos ang taon. Kaugnay ito ng anunsyo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mag-uumpisa na ang vaccination sa naturang age group kahit walang comorbidities sa Metro Manila sa Nobyembre 3 at […]