• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARMINA at ZOREN, nagkaiyakan sa pag-send off nila kay MAVY na sasabak sa first lock-in taping

NAGKAIYAKAN ang pamilya nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa pag-send off nila kay Mavy Legaspi sa unang lock-in taping nito.

 

 

Kasama si Mavy sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kunsaan bida sina Heart Evangelista at Richard Yap.

 

 

Nag-share ng video si Mina on instagram na nagyayakapan silang lahat bago umalis si Mavy para sa lock-in taping nito.

 

 

“All grown up. Time for you to spread your wings my forever baby boy Mavy. Always remember that we are here for you and we are all proud of you! Enjoy! I miss you already. [You’ll be away from us for the first time]. We love you,” caption ni Mina.

 

 

Heto naman ang post ni Zoren: “It’s hard to let this guy go to spread his wings. Come back with wider and longer wing span. Always pray at night and when you wake up. I love You as my son as my friend.”

 

 

Last year ay nagkaiyakan din sila nung mag-lock-in taping for the first time si Cassy Legaspi para sa First Yaya.

 

 

***

 

 

ILAN lang ang nakakaalam na nakipaglaban pala sa sakit na meningitis ang aktres na si Cristine Reyes.

 

 

Ayon sa aktres, tinamaan daw siya noon ng naturang sakit noong 2009 dahil sa over fatigue sa sunud-sunod na trabaho. Nagkataon pa raw na meron siyang pinagbibidahan na teleserye at pelikula noong magkasakit siya.

 

 

“Naalala ko year 2010, 2009, I had a project with Jeffrey Jeturian called Reputasyon on ABS-CBN. And then I was also doing The Other Woman for Star Cinema and Viva.

 

 

Every day ako nagwo-work nu’n. Na-over fatigue na ako, low immune system. Tinamaan ako ng virus called meningitis.

 

 

“Nagkombulsyon ako habang nagte-taping. They rushed me to the hospital. I stayed in the hospital for almost a month.

 

 

“So I was thinking… they couldn’t find out what’s going on with me. So they had to get like a water thing sa spine ko to examine the water in my brain. Then ‘yon nga, they found out meningitis and it’s deadly.”

 

 

Puwede nga raw ikamatay ni Cristine ang naging sakit niya kaya hindi raw siya tumigil sa pagdasal. Lumaban siya dahil ayaw pa raw niyang mamatay.

 

 

“So, nag-pray na ako kay God no’n. Sabi ko, ‘I can’t die. I wanna live.’ Kasi sa hospital, ‘di ba sa bed mo ‘yung wall laging may crucifix? Merong crucifix doon. I remember… parang I think I was fighting for my life, ‘I can’t die.’ Even though I was super weak,” pag-alala ng aktres.

 

 

Unti-unting lumakas ang katawan ni Cristine hanggang sa malabanan na ng kanyang katawan ang sakit.

 

 

“Ang sabi lang ng mga doctors kasi it’s really your body that will fight for itself, eh, sa mga virus na yan. So, I guess God gave me strength to fight because I asked for it and I didn’t wanna give up,” sey pa niya.

 

 

***

 

 

NAIKUWENTO ni LJ Reyes na patuloy ang communication ng panganay niyang si Aki sa biological father nitong si Paulo Avelino.

 

 

Noong magkaroon ng pandemic last year, parati raw nag-uusap ang dalawa na ikinatuwa naman ni LJ.

 

 

“Hindi na dumadaan sa akin. Diretsong tumatawag si Paulo kay Aki. Sinasabi na lang ng anak ko na tinatawagan siya ng daddy niya.

 

 

“Natuwa ako na nandoon ang concern niya kay Aki. Lagi silang nagkukumustahan. Pinapabayaan ko lang silang mag-usap kasi Aki is turning 11-years old na at kailangan makilala niya ng husto ang father niya. Kahit na sa patawag-tawag lang, nakikita kong masaya si Aki,” sey ni LJ.

 

 

Nag-renew pala si LJ ng kontrata with GMA Artist Center at thankful siya sa pag-alaga at pag-intindi sa kanya ng Kapuso network.

 

 

“It’s been 17 years since I became a talent of GMA after StarStruck 2. I am thankful sa pag-alaga ng GMA sa akin na minsan nahihiya na ako sa kanila. May mga projects akong tinatanggihan dahil sa mga anak ko. Naiintindihan naman nila iyon.

 

 

“Naging very supportive sila noon pang nag-aaral ako hanggang sa naka-graduate ako. Ngayon ay supportive pa rin sila sa akin when it comes to the security and health of my family. Kaya natuwa ako nang ma-renew ang kontrata ko.”

 

 

May usapan daw sila ng partner niyang si Paolo Contis na hindi sila sabay tatanggap ng project para may isa sa kanilang maiwan sa mga bata.

 

 

Tulad ngayong buwan, si Paolo raw muna ang mag-lock-in taping para sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon.

(RUEL MENDOZA)

Other News
  • Marami ang kinikilig dahil visible na naman sa mga social media: Sen. CHIZ at HEART, dinaig pa ang ibang loveteams

    DAIG pa talaga ng mag-asawang sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ang ibang mga loveteams ngayon.   Since naging sila, talagang sinubaybayan na ng mga netizens ang kanilang love story.   Ang daming invested sa relasyon nila, lalo na at alam kung paano pinaglaban ng dalawa ang kanilang relasyon na nauwi sa kasalan.   […]

  • ‘A4 priority list’ baka maturukan vs COVID-19 sa Mayo, Hunyo — NEDA

    Sa pagtataya ng National Economic and Development Authority (NEDA), posibleng abutin ng isa hanggang dalawang buwan pa ang dapat antayin ng mga nasa A4 priority list bago maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19).     Ang balitang ‘yan ang binanggit ni NEDA Undersecretary Rose Edillon, Lunes, habang tinatalakay ang mga sektor na masasama sa A4 […]

  • Magpiprisinta na makatrabaho ang aktor: BEAUTY, kayang kabugin ang mga mapangahas na eksena nina ALDEN at JULIA

    SI Alden Richards pala ang gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa next project niya sa GMA. Sa mediacon ng ‘Stolen Life’ ng GMA ay natanong si Beauty kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na artista. “Madami, madami talaga,” pakli ni Beauty. “Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, e. […]