• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CARMINA at ZOREN, pinag-iingat ang anak na si Cassy pagdating sa lovelife

PAGDATING sa usapang lovelife, pinag-iingat nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang dalagang si Cassy Legaspi.

 

 

Nasa edad na raw si Cassy para tumanggap ng mga manliligaw, pero lagi raw iniisip nito ang advise ng kanyang parents na huwag magmadali pagdating sa love. Huwag daw siyang agad ma-fall sa manliligaw niya.

 

 

“‘Yung number one, don’t rush into love kasi it will come. Love will come, just mag-relax-relax ka lang. And if you do fall in love, protect your heart,” sey ni Cassy.

 

 

Si Zoren daw ang strict pagdating sa ganyang usapan.

 

 

“Yung dad ko naman super strict naman siya sa love life ko. Hanggang ngayon siya naman, ‘take your time. Don’t rush, pero ngayon focus sa sarili mo lang. Love will come to you. If it’s meant to be, it’s meant to be’,” sey ni Cassy na lalabas na sa unang teleserye na First Yaya sa GMA-7.

 

 

***

 

 

SIMULA nang umere ang fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, marami ang pumupuri sa mahusay na pag-arte ni Klea Pineda. 

 

 

Makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punong-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n’ya na niloloko siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).

 

 

Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”

 

 

Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”

 

 

Dagdag pa isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”

 

 

Patuloy na abangan ang painit nang painit na mga eksena sa Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime!

 

 

***

 

 

ISANG Lav Diaz film ang magiging comeback movie ni John Lloyd Cruz pagkatapos ng tatlong taong pamamahinga sa showbiz.

 

 

May titulong Servando Magdamag ang pelikula ni JLC at kasalukuyang nasa location na sila sa Sorsogon.

 

 

Pinag-quarantine nga raw muna si JLC pati na ang kasama sa cast at crew ng pelikula dahil gustong makasigurado ng local government ng Sorsogon na walang positive sa COVID-19 sa grupo nila.

 

 

Maingat ang mga taga-Sorsogon sa pagpapapasok ng mga tao sa kanilang probinsys dahil nagtala lang daw sila ng 20 positive COVID-19 cases since last year. At yung 20 raw na iyon ay hindi pa mga taga-Sorsogon.

 

 

Anyway, ito ang ikatlong pelikula ni JLC with Direk Lav. Magkatrabaho na sila sa Hele Sa Hiwagang Hapis at Ang Babaeng Humayo noong 2016.

 

 

Balitang walong oras ang itatakbo ng Servando Magdamag tulad ng ibang mga pelikula ni Direk Lav.

 

 

Mas mae-excite daw ang fans ni JLC kung isang romantic-comedy ang gagawin nito tulad ng mga ginawa niya with Bea Alonzo and Sarah Geronimo. Kung art film daw na 8 hours ang haba, wala raw makakatiyaga rito sa panahon ngayon. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Sangley Airport maaatraso ang development

    Ang pamahalaang lokal ng Cavite ay walang nakuhang bid para sa Sangley Point International Airport kung kaya’t tinatayang maaatraso ang development nito bilang isa sa mga alternatibong paliparan sa bansa.       “We had to declare failure of bidding. The Cavite’s Public Private Partnership (PPP) selection committee would reconvene to decide on the future […]

  • QC LGU, nagpaalala na mag-ingat sa MPOX , 2nd at 3rd case naitala sa lungsod

    PINAALALAHANAN ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa monkey pox o mpox matapos maitala ang ikalawa at ikatlong kaso nito sa lungsod. Ayon sa kalatas na inilabas ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD), kasalukuyan nang naka-isolate ang mga pasyente sa kani-kanilang mga bahay. Sa pahayag ni Quezon […]

  • Pag-ahon ng turismo sigurado dahil sa mas maluwag na paglalakbay — Bongbong

    Ngayong nakikita na ang unti-unting pag-ahon ng sektor ng turismo, para kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ito na ang pagkakataon para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa tourism industry na maka-recover matapos na lubhang maapektuhan dahil sa pandemiya.       Ayon kay Marcos, halos lahat ng sektor sa bansa ay naghirap dahil sa […]