• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cartographic sketch ng killer ng radio anchor inilabas ng PNP

INILABAS na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang cartographic sketch ng isa sa mga salarin na responsable sa pamamaril at pagkakapatay sa radio anchor na si Juan Jumalon alyas “Johnny Walker” sa Calamba, Misamis Occidental kamakalawa.

 

 

Sa press briefing sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Benjamin Acorda na ang suspek ay nagsilbing lookout ng gunman.

 

 

“May sinasabing based on the available CCTVs, based on the review, lumalabas da­lawa ‘yung suspect but ongoing pa ‘yung pagko-consolidate ng mga facts dun sa case,” pahayag ni Acorda  sa pagpatay kay Jumalon, 57.

 

 

Si Jumalon ay nagsasagawa ng live broadcast sa radio station 94.7 Calamba Gold FM sa kaniyang tahanan sa Brgy. Bernardo Neri nang pumasok ang gunman at pagbabarilin ito sa ulo bandang alas 5:30 ng umaga. Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa pagamutan.

 

 

Base sa report ng Mi­samis Occidental Police Provincial Police Office, ang nasabing suspect ay tinatayang nasa 40- anyos, katamtaman ang katawan at kayumanggi ang kutis.

 

 

Sinasabing dalawa sa mga suspek ay pumasok sa bahay ni Jumalon habang ang isa pa ay naghihintay sa labas sa tabi ng motorsiklong dala ng mga ito.

 

 

Ayon kay Acorda, binuo na ang Special Investigation Task Group sa kaso ng pagpatay kay Jumalon na pamumunuan ng Deputy Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 10.

 

 

Aminado naman si Acorda na na-shocked siya sa pagpatay sa biktima na parang manok lang na itinumba at lawlessness ang kasong ito. Sa kasalukuyan ayon kay Acorda ay nirerebyu na ang mga CCTVs. Hinikayat din ng opisyal ang mga media practitioners na makipag-ugnayan sa pulisya kung may natatanggap ang mga itong banta sa kanilang buhay.

 

 

Sa kasalukuyan, apat na anggulo ang sinisilip ng SITG sa motibo ng krimen na kinabibilangan ng personal na galit, may kinalaman sa trabaho, pulitika kaugnay ng katatapos na Barangay Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at alitan sa lupa.

 

 

Samantala, inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa naganap na malapitang pagpatay kay Jumalon.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) para sa palitan ng impormasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Pagkamatay ng PNPA cadet, pina-iimbestigahan ni PNP chief

    Ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ni PNPA 4CL Kenneth Ross Alvarado.   Si Alvarado ay nasawi noong July 8,2020 dahil sa heat stroke.   Batay sa imbestigasyon ng PNPA, nakikilahok sa evening mess formation ang kadete nang mag-collapse ito.   Kaagad naman siyang nadala […]

  • ‘The Suicide Squad’ Red Band Trailer, Most-Watched In Its First Week

    JAMES Gunn has revealed on his Twitter account that the red band trailer for The Suicide Squad has already broken the record for most-watched by an R-rated trailer in its first week online.     “I can’t wait for you to see Harley in her full insane glory & @IdisElba’s intense star power & the madness of King Shark, Weasel […]

  • ARTA Chief Lauds BOC for Efforts Against Red-tape

    THE Bureau of Customs (BOC) was recognized by the Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director-General Jeremiah B. Belgica during his visit to the BOC yesterday, February 26, 2020, for its efforts to simplify frontline processes, automate systems and implement a zero-contact policy in compliance with ARTA’s thrust to reduce red tape and expedite government processes.   […]