• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cash assistance, hinahanda na ng DHSUD para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

HINAHANDA na ngayon ng  Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang  financial assistance para sa mga pamilya na nawalan ng kanilang tahanan dahil sa 6.8 magnitude earthquake na tumama sa Mindanao dalawang linggo na ang nakalilipas.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ipinag-utos na niya sa mga opisyal ng departamento sa Davao Region at Soccsksargen (South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General  Santos) na bilisan ang  probisyon ng financial assistance.

 

 

Sa ilalim ng Rental Subsidy and Financial Assistance Program ng DHSUD,  ang mga pamilya na may “totally damaged” na bahay ay makatatanggap ng P10,000 na  cash aid.

 

 

Base sa   DHSUD data, mayroong  673  bahay ang “totally damaged” sa dalawang rehiyon.

 

 

Ipinag-utos din ni Acuzr sa local DHSUD officials  na mahigpit na makipag-ugnayan sa mga apektadong local government units (LGUs) at  pangasiwaan ang mabilis na pagpapalabas ng  financial aid para sa mga pamilya na “totally destroyed” ang mga bahay.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango na tuloy-tuloy naman ang kanilang ginagawang pagmo-monitor sa situwasyon sa dalawang rehiyon at pinapanatiling updated ang management  sa lawak ng pinsala upang matiyak na kagyat na naibibigay ang kinakailangang suporta.

 

 

Higit pa sa financial aid, sinabi ni Acuzar na ang mga pamilyang nakatira sa  danger zones ay kabilang sa mga  “priority beneficiaries” ng  Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng gobyerno.

 

 

“The recent calamities further push us to work harder to provide safe, decent and affordable housing units across the country through the 4PH program,” ayon kay Acuzar.

 

 

“We are motivated now, more than ever, to help relocate families living in danger zones to mitigate the effects of disasters. We see to it that we put them on top priority as every Filipino family deserves to live in resilient and sustainable communities,” dagdag na pahayag nito.  (Daris Jose)

Other News
  • Perfect ang movie sa pagbabalik ng Superstar: ALFRED, mas tumindi ang pagiging Noranian nang makatrabaho si NORA sa ‘Pieta’

    SA 101 episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong June 14, sumalang sa isang usapang lalaki si Councilor Alfred Vargas kasama ang kaniyang co-actor sa AraBella na si Luis Hontiveros.     Ibinahagi  nga ng mahusay na aktor na hindi siya natatakot na umiyak sa harap ng mga tao lalo na sa mga malalapit sa kaniya.     […]

  • Hamilton muling napantayan ang winning record ni Schumacher

    Nakapagtala ng panibagong record si Formula One champion Lewis Hamilton.   Ito ay matapos na mapantayan na niya ang pitong world titles ng F1 legend Michael Schumacher.   Nakuha nito ang panalo sa Turkish Grand Pix na ginanap sa Istanbul Park.   Madali lang nito ng nakuha ang walong puntos sa kaniyang team mate na […]

  • Guinto napasakamay ng RoS; Onwubere, Doliguez NP na

    PINAKAWALAN ng Rain or Shine ang dalawang malaki para sa isa lang.     Aprubado na kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido Marcial ang pakikipagpalitan ng RoS sa NorthPort.     Ibinigay ng Elasto Painters sina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier para mabingwit si Bradwyin Guinto.     Sasama si Guinto […]