• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cash grant sa 4Ps, balak itaas – DSWD

PINAG-AARALAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang posibilidad na maitaas ang halaga ng tulong pinansiyal na naipagkakaloob sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa mataas na halaga ng ­bilihin.

 

 

Ayon sa DSWD, simula nang maging batas ang 4Ps noong taong 2019 ay hindi na nabago ang halagang naipagkakaloob na cash aid sa mga benepisyaryo ng programa.

 

 

Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez na batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kailangang pag-aralan ng DSWD, NEDA at PSA ang tamang formula na gagamitin para maitaas ang tulong na naipagkakaloob ng pamahalaan para sa mahihirap na mamamayan ng bansa.

 

 

Gayunman, sinabi ni Lopez na hindi madali na maisagawa ang pagtataas sa cash grant sa mga benepisyaryo ng programa dahil nangangailangan pa ito ng pag-amyenda ng Kongreso sa umiiral na batas tungkol sa 4Ps. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit nagluluksa pa ang kanilang pamilya: Anak ni CHERIE na si BIANCA, ‘di nagpatinag sa mga kumwestiyon sa pag-attend sa party

    HINDI nagpatinag ang anak ni Cherie Gil na si Bianca Rogoff sa mga bashers na kumwestiyon sa pag-attend sa isang party kahit kamamatay lang ng kanyang mommy.     Binatikos ang anak ng yumaong aktres sa dating asawang na si Rony Rogoff na kilalang Israeli violinist. Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang pag-attend niya ng […]

  • Psalm 4:5

    Place your trust in the Lord.

  • Budget, DepEd execs ginisa sa ‘overpriced’ laptops

    NAGISA ng Senado ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) kaugnay sa pag-apruba nito sa Procurement Service (PS) ng DBM sa pagbili ng umano’y overpriced laptops.     Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa ang DepEd bakit pumayag sa pagbili […]