• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cash incentive para sa olympic gold medalist

Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games.

 

 

Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa habang P5 milyon at P2 milyon naman ang para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“I officially announce na nagpapasalamat din ako kay Mr. Ramon Ang ng San Miguel na nag-commit na rin ng same amount as MVP group,” wika kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.

 

Nauna nang nangako si Pangilinan ng P10 mil­yon para sa Olympic gold, P5 milyon para sa silver at P2 milyon para sa bronze.

 

 

Hindi pa kasama rito ang parehong cash incentives na nakasaad sa Republic Act 10699 o Expanded Athletes Incentives Act.

 

 

Nangangahulugan na kabuuang cash incentives na P30 milyon ang matatanggap ng atletang kokolekta sa Olympic gold, P15 milyon sa silver at P6 milyon para sa bronze.

 

 

Maliban pa ito sa inaasahang bonus na ibibi­gay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Kabuuang 19 national athletes ang kakampan­ya sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Nangangahulugan na kabuuang cash incentives na P30 milyon ang matatanggap ng atletang kokolekta sa Olympic gold, P15 milyon sa silver at P6 milyon para sa bronze.

 

 

Maliban pa ito sa inaasahang bonus na ibibi­gay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Kabuuang 19 national athletes ang kakampan­ya sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Other News
  • Ads February 9, 2023

  • SHARON, posible na isa sa surprise guest star para sa 6th anniversary ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, LORNA at ROSANNA, nagkabati na dahil sa serye

    EXCITED ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta sa chika na baka isa ang megastar sa surprise guest star for the 6th anniversary ng long-running action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano.     Kalat na kalat sa social media ang chika na may isang big star na lalabas sa FPJAP at ang hula ng mga fans ni […]

  • Esperon, malamig sa panukalang batas ni Drilon na magbibigay depinisyon sa red-tagging

    MALAMIG si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa isang panukalang batas na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon  na magbibigay depinisyon o pakahulugan sa ‘red-tagging’ at magtatakda dito bilang isang criminal activity.   Ani Esperon, kailangan muna niyang makita ang kopya ng Senate Bill No. 2121 o “Act Defining and Penalizing Red-Tagging” , […]