• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic nahigitan na si Federer sa may pinakamatagal na pagiging numero 1

Nahigitan na ni Novak Djokovic ang record na hawak ni Roger Federer sa may pinakamaraming linngo na nanatili sa unang puwesto sa world ranking.

 

 

Umaabot na kasi sa 311 linggo na nananatili sa unang puwesto ang Serbian tennis star.

 

 

Nalagpasan na nito ang 310 na linggo na hawak ng Swiss tennis star.

 

 

Bago nito na naabot ang unang puwesto ay nahigitan niya sa puwesto si Rafael Nadal.

 

 

Sinabi ng 33-anyos na si Djokovic na pangarap na talaga niya noong bata pa na manguna sa ranking ng tennis sa buong mundo.

 

 

Unang naging numero uno sa ranking ay noong 2011 na siyang tinagurian bilang best player in tennis history.

 

 

Matapos ang panalo sa Australian Open noong Pebrero ay mayroon ng kabuuang 18 grand slam titles ito.

Other News
  • Hidilyn Diaz unti-unting nagpapakondisyon

    Mas pinili ni Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na ibalik ang kanyang focus para humugot ng bagong lakas sa paglahok sa mga susunod na international competitions.     Unti-unti nang nagpapakondisyon ang national lady weightlifter sa isang training camp sa Malacca, Malaysia kasama ang kanyang fiance at coach na si Julius Naranjo.   […]

  • Supply ng bigas sa bansa, sapat hanggang sa pagtatapos ng El Niño

    KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa pagtatapos ng El Niño phenomenon sa Pilipinas sa susunod na taon.     Ito ang binigyang-diin ng pangulo kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa mga stakeholders ng industriya sa pangunuguna Private Sector Advisory Council at Philippine Rice Stakeholders Movement sa […]

  • 5 INARESTO NG NBI SA PAMIMILIT AT PANGINGIKIL

    INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa kasong Grave Coercion at  Robbery Extortion.     Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rowena Nava y Cuision, Jeffey Brequillo y Sanchez, Norman Solsona y Abella, Lando Banzon y Manio at Efren Dela […]