• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cashless transactions na ang EDSA busway system

IPINATUPAD ng pamahalaan ang cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng beep cards sa mga buses na dumadaan sa EDSA busway system simula ngayon linggo.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na “no beef card, no ride” policy ang ipatutupad. Ayon kay assistant secretary Steve Pastor na ang nasabing aksyon ay upang magsilbing karagdagang safety measure nang maiwasan ang pagkalat ng viruses lalo na sa paghawak ng cash.

 

“We want to make sure that commuters along EDSA will have a safer and comfortable travel while at the same time providing them a more seam- less and efficient system of public transport,” ayon kay Pastor.

 

Dagdag pa ni Pastor na ang measure na ito ay makakatulong din sa iba pa na safety at health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa mga public utility vehicles (PUVs) tulad ng pagsusuot ng face masks at shields at social distancing.

 

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na bumili at mag load ng kanilang beef cards in advance upang maiwasan ang inconveniences pag ipatupad na ang fare collection system.

 

“As we are removing other potential health risks, we also want to limit the time spent in lines that come with having to do cash payments. We are envisioning that more public transport vehicles adopt digital transaction means either through QR codes, online payments or tying up with cashless payment providers such as beep,” wika ni LTFRB chairman Martin Delgra.

 

Ang mga pasahero ay puwedeng mag load ng kanilang beef card sa mga LRT at MRT stations, Family Mart at Ministop branches, Bayad Center at kanilang affiliates, ganon din sa over-the-air loading partners tulad ng BPI, Eon by Unionbank, Akulaku at Justpayto.

 

Ang beep card ay siyang lamang interoperable stored value card na puwedeng gamiting sa LRT1, LRT2, at MRT 3 at ganon din sa point-to- point buses, EDSA buses at modern jeepneys.

 

Magagamit din ito sa tollways at retail partners. Ito ay reloadable at valid for four years.

 

Ang EDSA busway system, ay inilungsad noong July 1 na isang joint project ng DOTr, LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Ang EDSA busway system ay ginawa upang matulungan ang mga commuters mula Monumento sa Caloocan papuntang Paranaque Integrated Terminal Exchange na magkaron ng mas maikling travel time sa pamamagitan ng dedicated median bus lane. (LASACMAR)

Other News
  • 19,271 bagong COVID-19 infections sa Phl; active cases umakyat sa 178,196

    Nadagdagan ng 19,271 ang bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas, dahilan para umakyat din ang active cases sa 178,196.     Ayon sa Department of Health (DOH), sa ngayon ang kabuuang bilang ng COVID-19 caseload sa bansa ay aabot na sa 2,366,749.     Sa naturang bilang, 178,196 ang active cases, kung saan 92.3 percent […]

  • WHAT A TREAT! MEET THE COLORFUL CHARACTERS OF “WONKA,” IN CINEMAS DECEMBER 6

    STEP into a world of pure imagination, and get a glimpse of the wonderful characters of “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate-maker. Directed by Paul King (“Paddington”), “Wonka” opens in Philippine cinemas December 6.        Watch the new trailer: https://youtu.be/Ke6EKcvZwiA About “Wonka” Based on the extraordinary character at the center of “Charlie […]

  • 4-door strategy ikakasa ng DOH vs Monkeypox

    MAGPAPATUPAD ng “four-door strategy” ang pamahalaan kabilang ang paghihigpit sa mga borders ng bansa para hindi makapasok ang bagong monkeypox virus.     “Kasalukuyang 12 bansa na ang may pinakabagong kaso ng monkeypox. Kabilang dito ay siyam na bansa sa Europa pati na rin sa Estados Unidos, Canada at Australia. Dahil dito ang DOH ay […]