Castro, pinaigting ang pagpapatupad ng panlalawigang ordinansa ukol sa labis na kargang trak at proteksiyon ng kapaligiran
- Published on May 25, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na ipinatutupad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.
Ipinaalala ni Fernando sa daan-daang stakeholders na dumalo kabilang ang haulers, may-ari ng processing plants, quarry permittees at operators sa Bulacan na sundin ang mga batas tulad ng Panlalawigang Ordinansa C-005 at Panlalawigang Ordinansa 64-2018 at iba pa upang maiwasan ang pagharap sa mga multa at parusa kaugnay ng pagkasira ng imprastraktura at kapaligiran.
“Hinihiling ko po sa inyong lahat na sumunod kayo sa itinakdang regulasyon. Gawin po natin legal ang operasyon at naayon sa batas para hindi na rin po kayo maabala. At ‘yung mga mahuhuli na hindi tumatalima, harapin din po ninyo ang karampatang parusa para sa inyong nagawang paglabag,” ani Fernando.
Tinalakay din ni Abgd. Julius Victor C. Degala, pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office, ang laganap na isyu sa excessive volume o labis na mga karga ng in-transit vehicles na nakasisira ng pampublikong kalsada.
Aniya, ang pinapayagang volume o bigat ay depende sa quarry materials hauled (20-24 cu.m. o MT na nakalagay sa Delivery Receipt hanggang sa maximum nito na 28 cu.m. o MT bilang konsiderasyon) at ang karga ay dapat nasa orihinal na sidings at mayroong takip.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong dokumento kapag nagbibiyahe ng mga karga tulad ng mga mineral o produkto ng quarry na nakalagay sa Delivery Receipts (DR) at Transport Slips (TS) upang makadaan sa publikong kalsada sa lalawigan.
Ipatutupad rin ang nasabing regulasyon sa ibang mga trak mula sa malalapit na probinsya na nangangailangang dumaan sa Bulacan patungo sa kanilang destinasyon.
Iprinisinta din ni Abgd. Degala ang kitang nakolekta ng BENRO mula sa P68,251,596.79 (Enero hanggang Abril 2022) hanggang P78,067,259.50 koleksyon (Enero hanggang Abril 2023), na mayroong 14.37 % na itinaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon pa sa abogado, sa pagsasagawa nila ng panghuhuli sa mga trak na may karga na labis ang timbang katuwang ang PNP at iba pang ahensiya mula Enero hanggang Abril, 46 na trak ang nahuli at kumita ang probinsiya ng P300,000 para sa multa at noong May 1-12, 51 trak ang hinuli at nakakolekta ng P280,000 na multa kung saan sumama pa ang gobernador sa pagsasagawa ng ispesyal na operasyon.
Dumalo rin sa pulong sina Provincial Director PCOL Relly B. Arnedo ng Bulacan Police Provincial Office na kinatawan ni PMAJ. Almer Eustaquio, Provincial Legal Officer Abgd. Gerard Nelson C. Manalo, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino at mga Bokal Raul A. Mariano at Arthur A. Legaspi. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
JK, kinakiligan sa IG post pero may nagbabala sakaling manalo si MAUREEN sa ‘MUP’
SA Instagram post ng singer na si JK Labajo nanawagan siya sa kanyang followers para suportahan ang kanyang girlfriend. Kasama ang isang photo nakaka-beauty queen, nilagyan niya ito ng caption na, “Hi po gud pm sa inyong lahat paki download po yung miss universe ph app tapos paki vote po yung crush ko […]
-
“Thank you for always being my rock’.. MARIAN, kinakiligan ang napaka-sweet na mensahe kay DINGDONG
MAY nakakikilig at napaka-sweet na mensahe si Marian Rivera sa kanyang asawang si Dingdong Dantes. Sa Instagram post si Marian, ibinahagi niya ng larawan nila ni Dingdong na kung saan nakayakap siya sa balikat ng asawa. Kuha ito sa Italy na kung saan rumampa ang mommy nina Zia at Sixto sa […]
-
3 prominenteng pangalan, pagpipilian ni PDu30 na kanyang ie-endorso sa bilang kanyang maging successor
MAY tatlong prominenteng pangalan na ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kanyang magiging successor kapag ang kanyang anak na si Davao Mayor Sara Duterte at ang kanyang dating close aid na ngayon ay Senador Bong Go, ay hindi tatakbo sa 2022 presidential elections. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang “choice” ni […]