Castro vs Biscocho sa pagka-race director
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
Si Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ang kinikilalang ng ama ng Philippine running.
Siya ang dahilan ng running boom sa bansa noong dekada 80 tapos ng bantog niyang Band Aid Family Marathon Clinic noong 70s.
Pero noong 1980 silang dalawa – Castro ng Intergames o Intersport at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run And Compete Enterprise o RACE – ang naging mahigpit na magkaribal sa pag-o-organize pagiging mga race director ng mga marathon at iba pang footrace sa Metro Manila at sa kapuluan na rin.
Naging race director si Castro ng National MILO Marathon, Batulao Marathon, Pilipinas Third World Marathon na kalauna’y naging San Miguel Beer Pilipinas International Marathon.
Na kay Biscocho ang Philippine Airlines Manila International Marathon, Puma Half-Marathon, at iba pa. Hinawakan din niya sa dekada 90 hanggang 2000-plus ang MILO Marathon nang yumao na si Castro noong 2015..
Namayapa na si Jun sa Estados Unidos sa kanser tapos umalis ng bansa noong 1993 sa kasagsagan ng panunungkulan niya bilang komisyoner ng Philippine Sports Commission (PSC).
Nasa Tate rin si Rudy sa kasalukuyan matapos mamatay ang isang anak na lalaki at paminsan-minsan na lang pumaparito para sa ilang piling binabalangkas pa rin niyang mangilan-ngilan na mga karera na lang gaya ng Yakult 10-Miler.
Sa kuwento ng aking papa (RDC) na nakoberan ang mga patakbo ng dalawa, Pareho aniyang mabuting makisama sina Catro at Biscocho.
Kaya dinudumog ng sports media ang kanilang mga patakbo. Nakatakbo’t taposdin pala ng NMM, PAL-MIM at PIM bukod pa sa Pasig Marathon at Subukan Full-Marathon sa Quezon City ang aking ama.
***
Kung nais po ninyong mag-reaksiyon o may gusto po kayong itanong, mag-email lang po kayo sa jeffersonogriman@gmail.com.
Idalangin po nating lahat na matapos na ang COVID-19. Ingat po tayong lahat palagi. Panatilihin po nating malakas ay malinis ang ating katawan sampo ng ating tahanan, mga kasamahan at kapaligiran.
Hanggang bukas po uli mga ka-PEOPLE’S Balita.
God bless us all! (REC)
-
Pacquiao bumanat kay Cusi
Sa halip na pulitika, dapat atupagin muna ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang problema sa nararanasang brownout sa bansa. Sa privilege speech ni Sen. Manny Pacquiao, tinuligsa niya si Cusi dahil sa isang hearing ay nangako ang kalihim sa mga senador na hindi mangyayari ang brownout ngayong tag-init subalit ito na umano ang […]
-
EO sa paglikha ng water resources management office sa DENR, oks kay PBBM
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang executive order para sa pagtatayo ng Water Resources Management Office (WRMO) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naglalayong pagsama-samahin ang pagsisikap ng pamahalaan na tiyakin ang “availability at sustainable management” ng water resources sa bansa. Sa ilalim ng Executive Order No. […]
-
Habang nanonood ng live sa ‘Eat Bulaga’: BIANCA, ‘di malilimutan ang sandali na makitang nag-e-enjoy ang kanyang lola
HINDI malilimutan ni Bianca Umali ang sandali na makita na nag-e-enjoy ang kanyang lola na si Mama Vicky habang nanonood ng Eat Bulaga na live sa APT Studios sa Cainta, Rizal. Guest host sa longest-running noontime show ang Sparkle couple na sina Bianca at kanyang boyfriend na si Ruru Madrid. At nitong weekend […]