• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Catantan sa world juniors & cadets naman eeskrima

DALAWANG bagong kompetisyon ang sasalangan ng isa sa mga pambato ng Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) na si Samantha Kyle Catantan.

 

 

Kakaespada lang ng bronze medal at pinarangalang isa sa siyam na All-American selection sa 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) Fencing Championships sa Pennsylvania noong Marso 25-28, ng 19-anyos na dalagang tubong Quezon City.

 

 

Nakahanay naman sa kanya para sa buwang ito ang 2021 World Junior and Cadet Fencing Championships sa Cairo, Egypt sa Abril 3-11.

 

 

Makakasama sa world fence fest ng Pennsylvania State University Nittany Lion athletic scholar freshman at world No. 143 sa Internatioinal Fencing Federation (FIE) rankings sa women’s foil  sa Abr. 6-8 na laro ang kapwa debutante sa US NCAA  sap ag-aaral sa Sacred Heart University at Pinoy ring si Lawrence ‘Lance’ Tan.

 

 

Nakatakda ring kumampanya si Catantan at iba pang kapwa national fencers na sina  Jylyn Nicanor, Christian Concepcion, Hanniel Abella, Noelito Jose at Nathaniel Perez sa FIE Olympic Zone Qualifying Events – Asia & Oceania sa Tashkent, Uzbekistan sa Abr. 25-26. (REC)

Other News
  • DINGDONG, susunod na leading man ni BEAUTY sa isa pang mini-series; balik-tambalan nila ni MARIAN inaabangan pa rin

    BONGGA si Beauty Gonzalez dahil ang susunod niyang leading man sa GMA Network ay walang-iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.           Pagkatapos nga niyang gawin ang Stories from the Heart, si Dingdong naman ang magiging leading man ni Beauty. Pero hindi pa raw ito ‘yung full-length teleserye talaga, […]

  • Pacquiao greatest southpaw fighter

    Itinuring na greatest southpaw fighter of all time si eight-division world champion Manny Pacquiao matapos ang mahigit dalawang dekada nito sa mundo ng boxing.     Ayon kay boxing expert Bert Sugar, hindi maikakaila na si Pacquiao ang pinakamatikas na kaliweteng boksingero sa kasaysayan ng boksing.     Bakit nga naman hindi, walong championship belt […]

  • 5 drug suspects kalaboso sa P312K shabu sa Caloocan, Navotas

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa limang drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Navotas Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng […]