Catholic E-Forum, inilunsad
- Published on February 15, 2022
- by @peoplesbalita
BILANG paghahanda sa May 9, 2022 national at local elections, nagsanib-puwersa ang lahat ng Communication platform ng Simbahang Katolika para ihatid sa mga botante ang Catholic E-Forum.
Inilunsad ang Catholic E-Forum kahapon, Pebrero 14, 2022 sa pamamagitan ng “one-on-one interview” sa mga Presidentiables o mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senatoriables.
Tampok sa araw-araw na Catholic E-Forum ang vision, plataporma at adbokasiya na isinusulong ng mga kandidato sa pagka-presidente, Vice-President at Senador sa kalikasan, kultura,ekonomiya at pulitika.
Inihahandg ng CBCP-Episcopal Commission on Social Communications, CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, RCAM-Archdiocesan Office of Communications, TV Maria, Radio Veritas Asia,Catholic Media Network at Veritas 846 ang Catholic E-Forum.
Sa ika-14 ng Pebrero 2022, live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM, Radio Veritas FB page, Radio Veritas Asia, TV Maria, RCAM-AOC, Catholic Media Network (CMN), Skycable Channel 211 at ibat-ibang Social Communications Ministry ng Simbahan ang “one-on-one interview” kay Presidenial candidate Leody de Guzman.
Itatampok ang Catholic E-Forum sa programang Barangay Simbayanan mula alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga (8AM-10AM) kasama ang Veritas Anchors na sina Angelique Lazo at Rev. Fr. Jerome Seciliano.
Layunin ng Catholic E-Forum na makilala at malaman ng mga botante ang paninindigan sa mga problemang kinakaharap ng bansa at plataporma ng mga kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at Senador sa May 9, 2022 national at local elections.
Sa ika-15 ng Pebrero 2022, si Presidential candidate Dr. Jose Montemayor Jr. naman ang maglalatag ng kanyang mga plano at adhikain sa Catholic E-Forum. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pinoy ice skater Michael Martinez sinimulan na ang fundraising activities para sa pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics
Sinimulan na ni Filipino ice skater Michael Martinez ang kaniyang fundraising activities para sa kaniyang pagsabak sa 2022 Beijing Winter Olympics sa Pebrero 22. Sa kanyang social media nagpost ito ng mga larawan at video ng kaniyang training sa US. Pinaghahandaan kasi nito ang Olympic qualifying tournament sa NEBELHORN TROPHY na […]
-
Top 10 worst traffic situation ng ‘Pinas kayang burahin sa loob ng isang taon
TIWALA ang Malakanyang na sa loob ng isang taon ay mawawala na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang sitwasyon ng traffic sa buong mundo. Batay kasi sa Numbeo 2020 traffic index report na nag-sagawa ng pag- aaral sa may 81 bansa, pinakaworst o pinakamalala ang kondisyon ng trapik sa Pilipinas sa South […]
-
Mahigit 46-K katao dumalo sa kapiyestahan ng Black Nazarene
AABOT sa 46,000 ang dumalo sa misa ng kapiyestahan ng Black Nazarene sa Quirino GrandStand dakong alas-12 ng hating gabi, Jan 9. Ang nasabing bilang ay base sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) kung saan mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang pagbibigay ng seguridad sa lugar. Pinangunahan ni Manila Archbishop […]