Catriona, personal na ipinaabot mga donasyon para sa typhoon victims sa Bicol
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Kakaiba sa pakiramdam kung ilarawan ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pisikal na presensya sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.
Pahayag ito ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Albay sa kanyang pagbisita mismo sa Camarines Sur at Catandunates upang ipamahagi ang mga nalikom na donasyon para sa mga biktima partikular ng Typhoon Ulysses.
Kabilang sa mga ipinamigay ng pang-apat na Pinay Miss Universe ang mga shelter tool kits at cash grant na mula sa mga donor mula sa bansa at maging sa abroad.
“Traveled with @philredcross to typhoon effected areas Cam Sur and Catanduanes to be present in the giving of Multipurpose Cash Grant and Shelter tool kits. And I just want to say THANK YOU to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans. ❤🙏 It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given,” saad ni Gray.
Kung maaalala, naging “double purpose” ang pagtungo ni Cat sa Colombia kung saan siya ay nagsilbing judge sa pageant doon atdumuog din sa Red Cross Colombia kung saan personal nitong binanggit ang fundraising activities ng Philippine Red Cross.
-
Reyes hinirang na PBAPC Coach of the Year
KINILALA si Chot Reyes ng TNT Tropang Giga bilang PBA Press Corps (PBAPC) Coach of the Year para sa Season 46 matapos pagharian ang nakaraang Phlippine Cup. Tatanggapin ng 58-anyos na si Reyes ang kanyang ikaanim na Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy sa traditional Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center. […]
-
Foreign tourist arrivals sa Pinas, pumalo sa mahigit 1 milyon —DOT
MAHIGIT isang milyon na international travelers ang dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023. Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikini-kinita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil 1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.” “In less than three […]
-
Warriors at Heat pinag-aagawan si Antetokounmpo
PINAG-AAGAWAN ng Golden State Warriors at Miami Heat si 2020 NBA most valuable player Giannis Antetokounmpo. Ipinalutang kasi ng Miami Heat na mayroon ng nakahandang kontrata at pirma na lamang ni Antetokounmpo ang kulang. Pinag-aagawan ng Golden State Warriors at Miami Heat si 2020 NBA most valuable player Giannis Antetokounmpo. Ipinalutang kasi […]