• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano kay Velasco: Kung gusto ni Duterte, magiging speaker ka

IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang dapat pang pag-usapan sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring sumira sa napagkasunduang ‘term sharing’ ng speakership sa Mababang Kapulugan ng Kongreso.

 

Makaraang ituro si Velasco bilang nasa likod nang planong coup d’ etat laban sa kanya, pinayuhan din ito ni Cayetano na magtrabaho na lamang sa halip na magsiraan at mag-intrigahan.

 

Muli rin niyang ipinahayag na paniniyak na handa siyang tumalima sa nabuong kasunduan, kaya kung tutuusin ay walang dapat na ikatakot si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang kanyang kahati sa speakership dahil kung ito naman ang gusto ng Pangulo ay walang magiging hadlang ng kanyang pag upo.

 

“Huwag kang (Velasco) matatakot na hindi ka magiging Speaker kasi kung ‘yan talaga ang gusto ng Presidente, he is the head of our coalition, mangyayari ‘yan,” ayon kay Cayetano.

 

Samantala, bumuwelta naman si Cayetano sa mga reklamo na kung bakit hindi ibinigay sa House Committee on Energy na hawak ni Velasco ang pag-iimbestiga sa P100-bilyong utang ng mga power producer sa PSALM.

 

Iginiit ng lider ng Kamara na pinili ni Velasco na maging chairman ng House Committee on Energy pero tumanggi naman itong dinggin ang mga utang sa PSALM kaya pinahawak na lamang ito sa House Committee on Public Accounts at Good Government and Public Accountability.

 

Kung tinanggap lang daw sana ni Velasco ang alok niya dati pa na maging senior deputy speaker ay kasali din sana siya sa lahat ng nga pagdinig tulad ni Majority Leader Martin Romualdez. (Ara Romero)

Other News
  • KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

    ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New […]

  • Practice facilities ng Nuggets, isinara matapos dapuan ng COVID-19 ang 3 miyembro ng traveling party

    Isinara muna ng Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong kasapi ng traveling party ng koponan.   Sa anunsyo ng team, asymptomatic o wala naman daw sintomas ng deadly virus ang tatlo.   Binubuo ng 35 na miyembro ang traveling party ng Nuggets, na kinabibilangan ng […]

  • RCB Basilan 5-Cockfest, balik-tukaan

    MAGBABALIK ang mga serye ng mga ‘Big Event’ cockfest sa Pasay City Cockpit sa pamamagitan ng RCB Basilan 5-Cock Derby sa Biyernes, Marso 13 na may 40 sultada.   Patuka ito ni Ronald Barandino ng Basilan, ang 2012 World Slaher Cup champion, at mga itataguyod naman ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.   Kalahok din […]