Practice facilities ng Nuggets, isinara matapos dapuan ng COVID-19 ang 3 miyembro ng traveling party
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Isinara muna ng Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong kasapi ng traveling party ng koponan.
Sa anunsyo ng team, asymptomatic o wala naman daw sintomas ng deadly virus ang tatlo.
Binubuo ng 35 na miyembro ang traveling party ng Nuggets, na kinabibilangan ng mga player, coaches, at mga staff.
Sa ngayon, hindi pa tukoy kung bubuksang muli ng Denver ang kanilang practice facilities bago tumulak ang koponan patungong Orlando sa Hulyo 8 (Manila time) para sa pagpapatuloy muli ng season.
Nitong nakalipas na linggo nang magtungo nang muli sa kanilang practice facilities ang 22 koponan na lalahok sa season restart sa Hulyo 31.
Kamakailan nang lumabas din ang balita na nagpositibo sa coronavirus si Nuggets star Nikola Jokic habang nananatili ito sa Serbia.
Maging si Denver coach Michael Malone ay umamin din na nagpositibo ito sa nakahahawang virus, na kanya raw nakuha noong Marso.
-
Mas mabigat na parusa at multa sa paglabag sa OSH law
MATAPOS ang naganap na pagbagsak ng scaffolding sa Quezon City na ikinasawi ng isang trabahador, hiniling ng women workers group ang pagpataw ng mas mabigat na parusa at multa sa mga lababag sa Occupational Safety Health (OSH) law. Tanong ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK) kung ilan pang manggagawa ang masasawi sa trabaho […]
-
National Board of Canvassers, binuo na
PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections. Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng […]
-
RIHANNA, idineklara na ‘National Hero’ ng kanyang hometown na Bridgetown, Barbados
IDINEKLARA na isang National Hero ang singer-actress-businesswoman na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty in real life sa kanyang hometown sa Bridgetown, Barbados. Iginawad ang honour kay Rihanna noong November 30 by Prime Minister Mia Mottley kasabay ng pag-celebrate nang pagiging republic ng Barbados after 396 years sa ilalim ng British monarchy. […]