• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CBCP, ikinatuwa ang pag-OK ng IATF sa dagdag na pwedeng dumalo sa misa

Patuloy pa rin ang panawagan ng ilang opisyal ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya na sundin pa rin ang ipinapatupad na minimum health protocols kapag dumadalo sa mga misa.

 

 

Ito ay kahit na ginawang 50 percent na ng gobyerno ang kapasidad ng mga dadalo sa bawat misa simula Pebrero 15.

 

 

Sinabi ni Father Jerome Secillano ang public affairs committee ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), dapat huwag magpakumpiyansa hangga’t nasa panahon pa rin ng pandemya.

 

 

Ipinaliwanag pa rin nito na mahalaga ang pagdalo sa misa dahil ito ang isa sa mabisang paraan para matapos na ang COVID-19.

 

 

Magugunitang bukod sa pagdagdag ng bilang sa mga dadalo ng misa ay bubuksan na ng gobyerno ang ilang negosyo gaya ng sinehan, museum, tourist spots at mga parke para makabawi ang ekonomiya.

Other News
  • Malakanyang, nakiisa sa buong mundo para sa pagdarasal na matapos na ang girian sa Ukraine

    NAKIISA ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.     “We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in […]

  • PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF

    Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.     Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]

  • Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara

    SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG).   Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay […]