• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Censorship ito’: Facebook sinuspinde raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos

SUSPENDIDO raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya.

 

 

Ang sinasabing pagka-suspinde ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan.

 

 

Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na siya ring chief of staff ni Bongbong. Sinabi niya ito kahit Enero 2022 nang banggitin niya sa Rappler na “wala siyang kahit anong social media account.”

 

 

“FB/Meta suspended my account because I am for Bongbong Marcos. This action is censorship of the highest degree on a sovereign act, digital terrorism no less,” wika niya sa isang pahayag na inilabas ng Partido Federal ng Pilipinas.

 

 

“I will not appeal for I have not violated anything. My duty is to the Filipino people and not to FB/Meta.”

 

 

Ang Facebook ay pribadong kumpanya at si Rodriguez naman ay pribadong indibidwal

 

 

Inirereklamo ni Rodriguez ang diumano’y censorship sa kanya sa social media. Matatandaan na talamak noong Martial Law ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos na ama ni Bongbong ang censorship sa mga pahayagan.

 

 

Iginigiit ni Rodriguez na hindi rin daw siya nagpapaskil ng kahit na ano tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict — na kilalang madalas magpakalat ng disinformation online.

 

 

Una nang sinabi ng ruling party na PDP-Laban, na nag-endorso kay Bongbong, na sunud-sunod na nafa-flag o “takedown” mula sa Facebook ang mga posts ng kanilang mga kandidato dahil sa paglabag sa community standards.

 

 

Ngayong Abril lang nang ianunsyo ng Meta, parent company ng FB, na tinake-down nito ang daan-daang accounts at pages sa Pilipinas na nagsasagawa ng “malicious activities” sa social media bago ang May elections.

 

 

“I will continue communicating with the many other forms of media available that are free from any filter, censorship or manipulation from foreign platform providers,” dagdag pa niya.

 

 

Hindi dapat visible sa ibang tao sa Facebook ang account ng mga suspendido sa platform, pero searchable ang isang Vic Rodriguez na nagpapakilalang tagapagsalita at chief of staff ni Bongbong .

 

 

“Up and running” naman ang opisyal na FB page niya na “Atty. Vic Rodriguez” at hindi naman nawawala sa Facebook.

 

 

Taong 2019 lang nang sabihin ng Facebook na lalabanan nila ang pagkalat ng fake news kasabay ng mid-term elections noon. Kaugnay noon, natanggal  ang pagkarami-raming pages at accounts na nagpapakalat ng misleading at hindi accurate na impormasyon.

Other News
  • Kamara walang planong buwagin ang Senado

    TINIYAK  ng mga lider ng Kamara na wala silang plano upang buwagin ang senado sa kanilang isinusulong na reporma sa Konstitusyon.     Ito ang sinabi nina Rizal Rep. Jack Duavit, ang lider ng Nationalist People’s Coalition (NPC) bloc sa Kamara, Deputy Speaker at Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. […]

  • Red alerts sa Luzon grid, posible matapos ang May 9 polls- DOE

    MALAKI ang posibilidad na itaas ang red alerts sa Luzon power grid, na maging dahilan ng rotational power interruptions, sa susunod na dalawang linggo kasunod ng May 9, 2022 elections.     Sa virtual press briefing, sinabi ni DOE Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, “considering historical data on forced or unplanned power plant […]

  • Reinforcement Teams, tumutulong na sa typhoon-hit Bicol- OCD

    NAGPADALA na ang Office of Civil Defense (OCD) ng mas maraming reinforcement teams para tumulong sa rescue operations sa mga lugar na apektado ng Severe Tropical Storm ‘Kristine’.   Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni OCD spokesperson Director Edgar Posadas na nanatiling prayoridad ang nagpapatuloy na rescue efforts sa Bicol.   “Ang challenge pa […]