Cha-cha ‘word war’ sa pagitan ng Kamara at Senado, itigil na
- Published on March 22, 2023
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso na mag-usap at ayusin ng pribado ang kanilang bangayan sa isyu ng isinusulong na constitutional amendments ng Kamara sa halip na mag-away sa publiko.
Umapela pa ang mambabatas ng parliamentary courtesy at ayusin ng pribado ang pinagkakaiba ng opinion ng mga lider ng kongreso.
“Nagkakaroon tuloy ng word war between the Senate President and the Speaker (Martin Romualdez) and (House Committee on Constitutional Amendments) Chairman Rufus (Rodriguez), minsan nakakahiya e,” pahayag ng mambabatas sa radio program ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers nitong nakalipas na Biyernes na “Kape Kape Muna. Dapat e veteran legislators kami, kung ano man ang pinagkakaiba ng opinyon, settle privately.”
Nagsimula ang word war nang ihayag nu Senate President Zubiri na ang pagkaka-delay sa pagpapatupad ng implementing guidelines sa tatlong batas (1. Public Service Act; 2. Retail Trade Liberalization; 3. Foreign Investment Act) ay lumilitaw na dahil sa isinusulong ng charter change ng Kamara.
Inihayag naman ni Rodriguez na “unfair” ang alegasyon ni Zubiri sa mga mambabatas lalo na sa Speaker.
“Hindi namin kasalanan ‘yun (delay in the enforcement of the implementing guidelines of the three laws),” ani Barzaga.
Nilinaw naman ni Barzaga, isa sa mga mambabatas na nagsusulong ng amendments sa “restrictive” economic provisions ng Constitution, na kaya nagmamadali ang kamara na maaprubahan ito ay para makatipad ng pera, kung isasabay ang eleksyon ng Con-Con delegates sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa October.
“Kasi kung magkakaroon na naman tayo ng separate elections, in order to determine who shall be the Con-Con delegates ay talagang magastos yan at kukuwestunin na naman ng ating mga kababayan at ng mga critics ng ating administration,” pahayag pa ng kongresista. (Ara Romero)
-
THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION
THE LORD’S FLOCK – FREE LENTEN RECOLLECTION As we face life’s challenges…in the midst of our busyness… we are invited to take an opportunity to reflect on the personal meaning of God’s love and passion in our lives. The Lord’s Flock invites everyone to a 3-Day Lenten Recollection. Holy Wednesday, April 5, 6:30-8:30pm ; […]
-
Perez pinasalamatan Terrafirma
NAGPAABOT ng pasasalamat si Philippine Basketball Association (PBA) stalwart Christian Jaymar ‘CJ’ Perez para sa Terrafirma na pinaglaruan niya ng dalawang taon bago pinagpalit ng Dyip sa San Miguel Beer. Inaprubahan nitong Martes ni pro league commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial ang pag-swap ng 2018 top pick pick overall, 2019 Rookie of the Year […]
-
170,000 Pilipinong botante sa ibang bansa, nakaboto na–Comelec
AABOT na sa 10% o katumbas ng 170,000 ng rehistradong Pilipinong botante sa ibang bansa ang nakaboto na ayon sa Commission on Election (Comelec). Ayon kay Casquejo nasa kabuuang 76,745 katao na ang nakabboto sa Asia Pacific. Nasa 13,462 overseas voters naman ang nakaboto na sa Europe, 83,450 Pilipino ang nakaboto […]