Challenge sa ibang loveteams na umamin na rin: RONNIE, hiyang-hiya noong itinatago pa ang relasyon nila ni LOISA
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK-TAMBALAN sa pelikula sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Ito ang ipinahayag ni Julia sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online channel ng batikang TV host.
“I’m going to do a movie with Josh under (production company) Black Sheep this year,” sambit ni Julia.
Sa interview ni Boy, binalikan ni Julia ang paggawa nila ng pelikula ni Joshua. Winika ng young actress na nadama na niya agad ang chemistry nila ni Joshua sa unang eksena pa lang ng pelikulang Vince, Kath and James.
“With Josh, that was our first film together. I remember from the first day, Tito Boy, after the first scene, I went back to the tent and I told my team, I was like, ‘I’ve never felt this kind of chemistry with anybody that I’ve worked with. Good things will only come from here,” pahayag ni Julia.
Alam daw nilang dalawa ni Joshua na malakas ang kanilang onscreen chemistry. Ito raw ang dahilan kung bakit inalagaan nila ang kanilang tandem.
Ang ilan pa sa successful movies nina Julia at Joshua ay ang I Love You To The Stars and Back, Unexpectedly Yours, I Love You, Hater, at Block Z.
Nagkaroon din ng romantic relationship ang dalawa off-screen pero naghiwalay sila noong 2019.
Pero ayon kay Julia ay nanatili naman daw silang best friends ni Joshua. Tiyak na ikatutuwa ng kanilang mga fans ang muling pagsasama sa big screen nng JosLia tandem.
***
MULING nagsama-sama ang mga fans ng higly-successful BL series na Gameboys last Sunday, May 22 to celebrate World Gameboys Day.
Ito rin ang nagsilbing launching ng season 2 ng highly-acclaimed series na minahal ng publiko since ipinalabas ito worldwide two years ago sa panahon ng pandemya.
Dahil sa Gameboys, na project ng The Idea First Company, sumikat at naging byword sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Sinundan ng mga netizens ang kwento nina Gav at Cairo. Marami ang naka-relate sa kwento nila at every week ay pinag-uusapan sa cyberworld ang mga naganap sa episode.
After the first season ng Gameboys ay gumawa naman ang The Idea First ng unang movie ng Gameboys na mainit din tinanggap ng mga fans nina Kokoy at Elijah.
Last Sunday at 8 pm ay ipinalabas na ang dalawang episodes ng Gameboys season 2. Gaya nag sinabi nina Elijah at Cocoy, kahit na napanood mo amg film version ng Gameboys, dapat ka pa rin manood ng season 2 episodes ng Gameboys dahil maraming eksena sa season 2 na wala sa movie version.
Ngayon pa lang ay kinikilig na ang fans nina Kokoy and Elijah sa mga eksenang aabangan nila sa dalawang bida.
***
SA presscon ng Love in 40 Days kung saan bida sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio ay tinanong ang aktor kung bakit nila naisipan na aminin sa publiko na mayroon silang relasyon.
Sabi ni Ronnie, para sa kanya ay hindi magandang tignan na hindi niya maamin sa publiko na siya ay may girlfriend samantalang they hold hands in public.
Nahihiya raw siya na itinatago nila ang kanilang relasyon tapos pag may nagtanong kung sila na ay kailangan nilang magsinungaling at sabihin na friends lang sila.
“Mas maganda ‘yung magsabi na lang kami ng totoo at huwag na naming itago ang totoong status ng aming relasyon,” sabi pa ni Ronnie.
Huwag na raw magsinungaling. Ang challenge nga ni Ronnie sa ibang loveteams ay aminin na kung ano ang totoong status ng kanilang relasyon.
Sabi pa ni Ronnie, kahit na maraming silang pinagdaanang pagsubok ni Loisa ay nanatili silang matatag. Going six years na ang relasyon nila. Dahil honest sila sa isa’t-isa at open ang communication lines parati ay mas naging maayos ang kanilang relasyon.
Love in 40 Days will premiere on May 30 on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, and TV5, with two-day advanced episodes on iWantTFC.
(RICKY CALDERON)
-
Higit 4K ng 4Ps beneficiaries, lisensyadong guro na – DSWD
MAHIGIT sa 4,000 dating monitored children ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mga licensed professional teachers (LPT) na ngayon. Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryo. Base […]
-
UPAKANG VERA-BHULLAR, TABLADO SA PUBLIKO
INANUNSIYO ng ONE Championship na lahat ng kanilang events kabilang ang laban na gaganapin sa Maynila ay gagawing fan-less o closed door para sa mga manonood. Nag-ugat ito dahil na rin sa kumakalat na coronavirus disease o COVID-19 , ayon sa nilabas na statement ni ONE championship chairman and CEO Chatri Sityodtong. Lahat […]
-
‘Mga Pinoy na babalik sa Phl, maka-quarantine pa rin kahit naturukan na ng covid vaccine sa ibang bansa’
Nilinaw ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na hindi pa rin ligtas sa 14-day quarantine ang mga paparating na mga Pinoy sa bansa kahit negatibo na sa swab test at kahit nabakunahan pa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa ibang bansa. Ayon kay BI Immigration Spokesperson Dana Sandoval, sa ngayon daw kasi […]