• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHAVIT, ‘dark horse’ sa pagka-senador sa 2025 Election

DAHIL sa pag-akyat ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging “dark horse” ang ngayo’y tumatakbo sa pagka-senador na si Luis “Chavit” Singson, ayon sa pinaka-huling datos na isinagawa ng Tangere, isang online polling body.

 

 

 

Base sa “The 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey”, 11.29% ang itinaas ng grado ni Chavit kung ikukumpara sa nakaraang buwan, laban sa iba pang 66 na makakatunggali nito sa pagka-senador.

 

 

Batay naman sa isa pang survey provider na Pulso Ng Bayan, 22.75% naman ang itinaas ng kanyang grado, na siyang pinakamataas kumpara sa lahat ng mga senatoriables sa paparating na 2025 midterm elections.

 

 

Ayon sa “Team Chavit Singson”, bagama’t nasa 20-23 na pwesto ang kanilang kandidato, lubos naman nila itong ikinagagalak at itinuturing na isang “positive development” na tanda ng lumalawak na suporta ng bayan sa kanyang pagtakbo.

 

 

Ani pa nila, lubos din nilang ipinagpapasalamat ang higit pang lumalawak na voter reach nito, lalo na sa National Capital Region, Northern, Central at Southern Luzon, at patuloy pang pagiibayuhin ang pag-abot lalong-lalo na sa mga rehiyon ng Visayas at Mindanao.

 

 

Tala naman ng mga political at social media analysts, malaki ang naging papel ng mga followers sa social media ni Singson kung saan siya ay pumangatlo sa lahat ng senatorial candidates na may social media following nitong katatapos lamang na buwan ng Nobyembre, na patuloy pang nangunguna at dumarami ngayong buwan ng Disyembre.

 

 

Bukod kay Singson, ang iba pang mga kandidato sa pagka-senador na nagkaroon ng bahagyang pagtaas sa poll rating ay sina Richard Mata (4.25%), Gringo Honasan (1.29%), Camille Villar (0.54%) at Imee Marcos (0.42%).

 

 

Ayon sa Tangere, ang survey na ito ay isinagawa noong Disyembre 11-13, na may 2,400 na respondents – ang 23% ay nagmula sa Northern Luzon, 23% sa Mega Manila, 20% sa Southern Luzon, 20% sa Visayas, at 23% sa Mindanao. Ito ay may 95% confidence at margin of error na +/- 1.96. ( Rohn Romulo)

Other News
  • Sec. Roque, nagpaalam na bilang tagapagsalita ni PDu30 at ng IATF

    NAGPAALAM na si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na iiwan nito ang kanyang posisyon para harapin ang hamon sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador.   Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Sec. Roque na ito na ang huling araw na tatayo siya bilang tagapagsalita ng Pangulo at tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF).   […]

  • Unang Olympic gold: P35.5-M, bahay at lupa nag-aabang kay Hidilyn Diaz sa ‘Pinas

    Maliban sa gintong medalya, limpak-limpak na salapi at iba pang gantimpala ang nag-aantay sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz pag-uwi niya mula Pilipinas.     Ika-26 ng Hulyo nang mapalanunan ng weightlifter ang gintong medalya mula sa 2021 Tokyo Olympics — ang una ng Pilipinas simula nang sumali ito noong 1924.     Alinsunod sa […]

  • Australia ‘di bibigyan ng special treatment ang mga tennis players na naka-quarantine

    Tiniyak ng Australian health authorities na walang “special treatment’ sa mga tennis player na naka-quarantine bago ang pagsisimula ng Australian Open.   Sinabi ni Victoria Premier Daniel Andrews, magiging pantay-pantay ang pagtrato nila sa lahat ng mga naka-quarantine.   Ang nasabing hakbang ay para hindi na malabag ang anumang health protocols na ipinapatupad.   Nauna […]