Checkpoint ops ng PNP palalakasin sa mga boundaries
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) hindi na pinapayagan ang sinumang nais lumabas at pumasok sa Metro Manila batay sa context ng bubble requirement ng national government.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana, dahil nasa NCR ang outbreak ng Covid-19 virus minarapat ng national government na lakihan ang spread ng boundaries.
Layon nito na malimitahan ang paglabas-masok ng publiko sa Greater Manila Area para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng Covid-19.
Walang travel restrictions within sa NCR, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna dahil ikinukunsidera ang mga ito na one bubble, NCR+.
Pinapayagan lamang bumiyahe sa ibang probinsiya kung ang biyahe ay essential at ang pinakamahalaga ay ang compliance sa LGU arrival requirement.
Sinabi ni Usana may mga checkpoints nang itinalaga sa loob at labas ng mga boundaries.
Ang pinapayagan sa ngayon na pumasok ng Metro Manila ay ang mga essential workers lamang o yung mga authorized persons outside residence (APOR) kasama na dito ang mga delivery goods and services.
Ang mga hindi essential workers ay hindi maaaring makapasok ng Metro Manila.
Ayon kay Usana sa dalawang linggo ipatutupad ng PNP ang ganitong set-up kaya hindi puwedeng makalabas ang sinoman sa NCR maliban na lamang kung mayruong maipakitang ID na isa itong essential workers.
Apela ng PNP sa publiko na huwag nalang munang bumiyahe para magbakasyon at manatili na lamang sa bahay ngayong Semana Santa.
Nilinaw naman ni Usana na naka depende sa mga local chief executives kung anong mga pamamaraan na kanilang ipatutupad sa mga lumabag o violators.
Paalala ng PNP may umiiral pa ring curfew hours kaya kung nais bumiyahe mula NCR patungong Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan dapat gawin ito sa umaga o hapon ng sa gayon hindi masita sa mga checkpoints. (Daris Jose)
-
BOC, NBI nanguna sa raid ng P250 milyong pekeng luxury goods
PINANGUNAHAN ng Bureau of Customs (BOC), Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), at National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang joint operation noong Biyernes sa Peter Street, Perpetual Village, Las Piñas City kung saan nadiskubre nila ang humigit-kumulang sa P250 milyong halaga ng mga puslit na pekeng luxury items. […]
-
Pulong nina US VP Harris at PBBM nakatutok sa pagpapalawak sa security alliance, economic relationship
TATALAKAYIN din sa pulong nina Marcos Jr. at Harris ang paninindigan kaugnay sa international rules lalo na ang freedom of navigation. Siniguro din ng US Embassy ang commitment ng US Vice President na makipag tulungan ito sa Pilipinas para palawakin pa ang economic partnership and investment tries ng dalawang bansa. Umaasa […]
-
Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels
PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard. Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities. Ito ay popondohan ng […]