• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, pansamantalang sinuspinde ang scholarship application para sa incoming freshmen

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Commission on Higher Education (CHED) ang aplikasyon sa CHED Scholarship Program (CSP) para sa incoming first-year college students para sa Academic Year (AY) 2022-2023.

 

 

Sa advisory ng CHED na pinost nito sa kanilang social media accounts, ang suspensyon ay “offshoot of budget inadequacy” sa Fiscal Year (SY) 2022 budget ng komisyon para sa Student Financial Assistance Programs (StuFAPs).

 

 

Sa isang memorandum mula sa Tanggapan ni CHED Chairman J. Prospero De Vera III na may petsang Pebrero 21, 2022, ipinaalam nito sa CHED Regional Offices at kinauukulang CHED Central Office ang tungkol sa temporary suspension ng aplikasyon para sa CSPs para sa AY 2022-2023.

 

 

Tinukoy ni De Vera ang implementasyon ng CMO No. 8 s. of 2019 o “Policies and Guidelines for CHED Scholarship Programs (CSPs),” CMO No. 11 s. of 2011, o ang “Amendments to Section 6 and 12 of CMO No. 8 s. of 2019” as well as in accordance with the budget appropriations under the “Provision of assistance and incentives, scholarships and grants through StuFAPs” as stated in Republic Act (RA) 11639, otherwise known as the “General Appropriations Act of FY 2022.”

 

 

Nakasaad din sa memorandum, ani De Vera na dahil sa kakulangan sa pondo sa FY 2022 budget ng CHED StuFAPs, pansamantalang sinuspinde ng CHED ang aplikasyon sa CSP para sa incoming first-year college students para sa nasabing school year.

 

 

Idagdag pa rito, inatasan ni De Vera ang CHED Regional Offices na ipakalat ang nasabing impormasyon upang mapigilan ang pagpapakalat ng “fake news” at maiwasan ang pagkalito sa mga interesadong estudyante.

 

 

Ang advisory ng CHED ukol sa temporary suspension ng aplikasyon para sa CSPs para sa AY 2022-2023 ay inilabas isang araw matapos na ianunsyo nito na ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST), attached agency ng CHED ay nag-post ng 99.67% ng overall budget utilization rate (BUR) ng kanilang nagpapatuloy na Fiscal Year 2020 ay inilaan para sa implementasyon ng programa sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931).(Daris Jose)

Other News
  • Pinakamatinding kalaban tinukoy ni Pacquiao

    Tinukoy ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang pinakama­tinding kalabang nakaharap nito sa kanyang buhay — ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic.     Masuwerte ang Pinoy champion dahil hindi ito kasama sa mga tinamaan ng COVID-19 maging ang sinumang kapamilya nito.     Subalit nawasak ang puso ni Pacquiao dahil sa epektong dulot nito sa […]

  • Ads October 5, 2022

  • PDu30, ikakampanya ang mga kapartidong tatakbo sa Eleksyon 2022

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ikakampanya niya ang kanyang mga kapartido sa PDP-Laban na tatakbo sa Eleksyon 2022.   Sinabi pa nito na magdadala rin siya ng pera habang nagsasagawa ng pangangampanya.   Ang pangakong ito ni Pangulong Duterte ay matapos na pamunuan ang panunumpa ng mga bagong PDP-Laban officials sa isang miting […]