• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, pinag-aaralan ang limited face-to-face classes sa lahat ng degree programs sa low-risk areas

PINAG- AARALAN ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na payagan ang limited face-to-face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 at may mataas na vaccination rates.

 

“In addition to limited face-to-face by degree program, pinag-aaralan na namin kung puwedeng payagan ang mga eskuwelahan na mag-limited face to face classes in all degree programs in areas that have very low COVID prevalence and very high vaccination rate,” ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera III sa virtual pres briefing ni Presidential pokesperson Harry Roque.

 

Sa kasalukuyan kasi, ang face-to-face classes sa tertiary level ay limitado lamang sa medisina at allied health sciences.

 

Kamakailan, may limang degree programs gaya ng Engineering and Technology programs, Hospitality/Hotel and Restaurant Management, Tourism/Travel Management, Marine Engineering, at Marine ang nadagdag sa listahan.

 

“Kung papayag ang local government, kung mataas na vaccination rate sa area at mababa ang classification nila as far as COVID is concerned, baka papayagan na natin pagdating sa mga susunod na buwan ang mga eskwelahan na maglilimited face-to-face classes in all their degree programs as long as they abide by the guidelines and they are inspected,” ang pahayag ni De Vera.

 

Ani De Vera, base sa CHED data, may 73% ng personnel sa 1,488 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Other News
  • PH HIGH SCHOOL FOR SPORTS, LUSOT NA SA SENADO

    LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang nagpapalikha sa Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na nakadisenyo para sa mga estudyanteng Filipino na nagnanais na magkaroon ng “long-term career in sports.”   Sa 21 senador na present sa session, wala dito ang kumontra sa sa Senate Bill No. […]

  • Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami

    Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala.   Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala.   NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120.   Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo […]

  • MVP pinuri ang Gilas; sinuportahan si Chot

    PINURI ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang panalo ng Gilas Pilipinas sa bisitang Saudi Arabia sa fourth window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakalawa ng gabi.     “Nice game tonight, Gilas. Thank you,” wika ni Pangilinan sa 84-46 paglampaso ng Nationals sa mga Saudis.     Kumolekta […]