Chemistry tututukan ni Sotto
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
Desidido si Kai Sotto na makatulong sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga mula Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar.
Kaya naman nais ng 7-foot-3 na bumuo ng magandang samahan kasama ang mga teammates nito sa Gilas Pilipinas pool para maging maganda rin ang resulta ng kanilang laban.
Aminado si Sotto na halos lahat ng miyembro ng Gilas pool ay bago lamang nito makakasama sa koponan.
Ngunit handa ang dating UAAP Juniors MVP na gawin ang lahat upang mabilis na makaagapay sa sistema ng Gilas Pilipinas.
“Gusto ko lang ngayon na makapag-bond ng maayos sa mga magiging teammates ko kasi halos lahat ng mga players sa Gilas, first time ko kasi makakasama halos silang lahat,” ani Sotto sa programang Puso Pilipinas.
Ilang araw lamang makakasama ni Sotto sa training camp ang Gilas Pilipinas dahil target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na umalis ang buong delegasyon bukas (Sabado) patungong Doha.
May mga agam agam na posible na namang ma-postpone ang third window dahil tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Qatar.
Subalit tiniyak naman ng ilang opisyales doon na maganda ang paghawak ng Qatar sa sitwasyon dahil sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas kumpara sa ibang bansa.
-
PBBM, nangako ng mabilis na rehabilitasyon ng storm-hit shelters sa Cagayan
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mabilis na rehabilitasyon ng mga bahay na winasak ng bagyong Marce sa Cagayan. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng financial aid sa Buguey, Cagayan, sinabi ng Pangulo na isinama niya ang lahat ng mga mahahalagang ahensiya ng gobyerno para tiyakin na […]
-
2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH
May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH). Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang […]
-
JERALD, pinuri ng netizens sa IG post na ‘letter to self’ dahil sa muling pagtaas ng Covid-19 cases
PINUPURI ng netizens ang pinost ni Jerald Napoles sa kanyaang Instagram account na dinaan ang kanyang saloobin sa pagtaas na naman Covid-19 cases sa bansa sa pamamagitan ng isang liham sa kanyang sarili. Post ng aktor: “Dear Jerald, “Linggo, maganda sikat ng araw, palabas ka na pero naisip mo. Mataas ang covid cases, dumadami […]