Chicago sinapawan ang Brooklyn
- Published on December 8, 2021
- by @peoplesbalita
Humugot si DeMar DeRozan ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para tulungan ang Chicago Bulls na talunin ang Brooklyn Nets, 111-107, sa banggaan ng top teams sa Eastern Conference.
Binuksan ng Bulls (16-8) ang fourth period ng13-4 atake at iniwanan ang Nets (16-7) sa 92-86 mula sa short jumper ni DeRozan sa huling pitong minuto ng laro.
Hawak pa rin ng Brooklyn ang No. 1 spot sa East kasunod ang Chicago na sumasakay sa three-game winning streak.
Kumamada si Zach LaVine ng 31 markers para sa Bulls, habang may tig-11 points sina Nikola Vucevic at Ayo Dosunmu.
Binanderahan ni Kevin Durant ang Nets sa kanyang 28 points kasunod ang 20 markers ni LaMarcus Aldridge at kumolekta si James Harden ng 14 points at 14 assists.
Sa San Francisco, umiskor si Derrick White ng 25 points para igiya ang San Antonio Spurs (8-13) sa 112-107 panalo sa Golden State Warriors (19-4).
Pinamunuan ni Stephen Curry ang Warriors, nakatablang muli ang Phoenix Suns sa top spot sa NBA at sa West, sa kanyang 27 points.
Sa Milwaukee, nagsalpak si Pat Connaughton ng pitong triples para sa kanyang 23 points sa 124-102 paggiba ng nagdedepensang Bucks (15-9) sa Miami Heat (14-10).
Ginawa ito ng Milwaukee kahit hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo na may right calf injury.
Sa Sacramento, humataw si Terrence Davis ng 23 sa kanyang 28 points sa second half sa 104-99 pagdaig ng Kings (10-14) sa Los Angeles Clippers (12-12).
-
Petro Gazz VS Cignal: Game One Spotlight
Naghanda ang dalawang team para sa Premier Volleyball League finals sa huling pitong kumperensya. Ngunit nauwi sa paghaharap ang Petro Gazz at Cignal para sa inaasam-asam na korona sa Reinforced . Ngunit ang Angels at ang HD Spikers ay umaasa na magbibigay ng isang nobela para sa mga tagahanga ng volley upang masiyahan […]
-
Celtics star Jaylen Brown, minultahan ng $25-K dahil sa ‘throat-slashing’ gesture
PINATAWAN ng $25,000 na multa si Boston Celtics star Jaylen Brown matapos ang ginawang pagkumpas nitong paghiwa sa kaniyang leeg. Naganap ang insidente ng mag-dunk ito sa harap ni Detroit Pistons forward Isaiah Stewart. Matapos ang tila poster-dunk nito kay Stewart ay isinagawa niya ang “throat-slashing” gesture na hindi […]
-
Sec. Roque, naka-isolation
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na siya ay naka- isolation makaraang ang isa sa miyembro ng kanyang staff ay nagpositibo sa Covid-19. Negatibo naman si Sec. Roque nang sumailalim sa pathogen test. Sa kabila ng naka-isolation ay sasama naman si Sec. Roque sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 meeting mamya sa pamamagitan ng […]