Chief Presidential Legal Counsel Enrile, naka- relate sa kasalukuyang pinagdaraanan ni Sec. Boying Remulla
- Published on October 18, 2022
- by @peoplesbalita
RAMDAM at naka-relate si Chief Presidential Legal Counsel at dating Senador Juan Ponce Enrile sa pinagdaraanan ngayon ni Justice Secretary Crispin Remulla matapos masangkot ang panganay na anak sa isyu ng iligal na droga.
Pag-amin ni Enrile, maging siya ay dumaan sa kahalintulad na senaryo nang madawit ang kanyang anak na si Jack Enrile sa pagkamatay ng anak ng isang Commander ng Philippine Navy noong martial law.
Makaraan aniya niyang bigyan ng abogado ang kanyang anak kasama ang body guard nito na dawit sa pagkakapaslang ay ipinaubaya na niya sa korte ang lahat.
Sa huli aniya ay inabsuwelto naman ang kanyang anak sa isinampang asunto laban dito.
Wika ni Enrile, ang magagawa lamang aniya niya sa ganitong mga sitwasyon lalo na sa hanay nilang nasa kapangyarihan ay pabayaan ang mga humahawak sa sistema ng hustisya sa bansa.
Aniya, ganito talaga ang buhay ng mga nasa gobyerno na kahit walang ginagawang kasalanan ay maaaring mabansagang may nagawang pagkakamali.
Kaya ang payo pa ni Enrile sa mga naglilingkod sa gobyerno, asahan ang mga unpredictable o mga hindi inaasahang bagay na puwedeng mangyari gaya ng kanyang naranasan at nararanasan naman ngayon ni Secretary Remulla. (Daris Jose)
-
Nabakante ni DSWD REX GATCHALIAN, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC)
CARETAKER sa iiwang distrito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC). Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na makikipag-ugnayan sila sa NPC para talakayin ang gagawing pagtatalaga ng caretaker sa congressional post na binakante ng bagong DSWD secretary. […]
-
Ads March 4, 2022
-
Ads November 24, 2021