• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO

NAKAKUHA  ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance.

 

 

Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa.

 

 

Kapwa nagkasundo ang dalawang opisyal na dapat itigil na ang pagpapalawig pa ng NATO Forces sa lugar at nanawagan din ang mga ito sa North Alliance na tanggalin na ang ideological approches ng Cold War Era.

 

 

Magugunitang naglagay ng mahigit 100,000 na sundalo ang Russia sa border nila ng Ukraine na ikinabahala ng US at mga kaalyadong bansa nito.

 

 

Mariing itinanggi ng Russia ang alegasyon na kanilang lulusubin ang Ukraine.

Other News
  • Once-a day religious gatherings pinayagan ng IATF

    PINAPAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga nais na magsimba ngayong Semana Santa.   Base sa naging anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque, pinapayagan ng IATF ang “once a day religious gatherings” mula Abril 1 hanggang 4, 2021.   Dahil dito, kinakailangan aniya na sundin ng mga religious denominations at ipatupad ang mga […]

  • Giit ni Pdu30, walang magic bullet laban sa Covid- 19 pandemic

    SINABI ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte na walang “magic bullet” para resolbahin ang  coronavirus disease 2019 (Covid-19) health crisis.   Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay dagdagan pa ang pasensiya  hanggang  maging available ang bakuna.   Sa public address ni Pangulong Duterte ay tiniyak nito sa publiko  na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan […]

  • Pinoy na nagsisimba linggo-linggo 38% lang — SWS survey

    BAGAMA’T  70% ng mga Katolikong Pilipino ang nagdarasal ng hindi bababa sa isang beses sa isang araw, kakarampot lang ang dumadalo sa pagsamba linggo-linggo, ayon sa panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).     ‘Yan ang resulta ng poll ng SWS na ikinasa mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre 2022 na siyang […]